Chapter 37

136 18 11
                                    

Abnoy

Inah's POV

Almost 2 weeks narin simula noong nangyaring pag-atake. Simula rin sa araw na ito, nasa iisang kwarto narin kami ni Rock kasi nag-aalala raw sya na baka mamaya may sumugod rin sakin. Nandito kami ngayon sa kwarto nya.

Napapaisip parin ako na baka mamaya bumalik sila rito at hanapin na naman ang hybrid na pakay nila na halata namang wala rito.

Nakasilip ako sa labas, siguro'y hating gabi na. Pero naririto parin ako sa labas at nagpapahangin.

Maya-maya pa ay biglang sumulpot si Rock sa harapan ko. Niyakap naman kaagad ako nito pero sa hindi ko malamang dahilan ay gusto ko syang suntukin.

Pangit nya.

"Why are you insulting me in your mind?" Nagtatakang tanong nya sakin.

"Hindi yun pang-iinsulto, pagsasabi yun nang katotohanan." Matapang na saad ko sa kanya.

"Uh? Okay." Naguguluhang tugon nya. "By the way, it's already 12 midnight mahal. Let's go inside." Aya nya sakin.

"Ulol edi pumasok ka mag-isa mo. Hindi ako sasama sa pangit." Saad ko sa kanya.

"My god, mahal. You can tell if there's something wrong. Do you need something? Why are you mad at me?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Ewan." Maikli kong sagot at muling tumingin sa labas.

"Si Trev, nasaan?" Tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya.

Ang gwapo kaya ng batang yon. Ang taba ng cheeks nya ang sarap pisil-pisilin, gago sya, tarantado, malakas ang saltik, parang may nawawalang turnilyo sa ulo, mas matanda sakin, akala mo kung sino, the conyo boy, saksakan ng arte, hays ang cute talaga!

"Mahal, nababasa ko ang iniisip mo. Sigurado ka bang maayos ang pakiramdam mo?" Tanong ni Rock.

Tumingin naman ako sa kanya at umirap. Kaagad pa akong nagcross-arm kaya naman napakunot ang noo nya.

"Oo naman. Sige, alis na!" Pagtataboy ko sa kanya.

Huminga naman sya ng malalim at hinalikan muna ako sa noo bago ako tinitigan. Ewan, hindi naman ako nagi-guilty sa ginagawa ko sa kanya ngayon. Nakakaasiwa lang talaga ang mukha nya.

"If that's what you want, I'll go now." Paalam nya, ngumiti muna sya nang malapad at nagsimula nang umalis.

Bago pa man sya makarating sa pintuan ay may naalala akong gusto kong i-utos sa kanya. Parang gusto ko ngayon ng abnoy. Isa yung tradisyonal na pagkain ng mga Pilipino. May kabahuan iyon at kulay dilaw sya, sinasawsaw sa sukang pinakulo at tinimplahan muna at masarap naman sya! Kaso lang kahit mag-tooth brush ka hindi mawawala ang amoy bulok sa bunganga mo.

"Rock! Hoy panget!" Tawag ko sa pangit kong kasintahan.

"Yes, what is it mahal?" Sagot nya at lumapit sakin.

"Ibili mo ko nang abnoy. Ngayon na." Utos ko sa kanya.

"What's that abnoy?" Tanong nya.

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Trev na may dalang tablet at parang may sine-search sya roon. Agad ko naman syang nilapitan at mahigpit na niyakap.

"Trev, bango mo naman." Saad ko rito.

Tiningnan naman nya ako habang nandidiri at muling titingin sa tablet nya at titingin muli sakin. Kaagad naman akong nairita sa inaasta nya kaya naman sinapok ko sya.

"Bat ba ganyan ka makatingin sakin? Akala mo lalamunin mo kaluluwa ko ah!" Bulyaw ko sa kanya.

"My ghad ate! It's yucky! The food you're asking for, it's.. oh god, why the heck this kind of food is still even existing?!" Reklamo nya sabay turo sa tablet nya.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now