Chapter 32

117 20 11
                                    

Swimming

Inah's POV

Nasa C.R ako at nagpapalit ng bikini habang iniintay naman ako ni Rock sa may sofa sa labas.

Nagsuot ako ng isang t-shirt na abot hanggang tuhod ko para naman hindi masyadong bulgar ang damit ko paglabas ko. Maya-maya ay lumabas na ako, napatitig si Rock sa suot ko. Nakasuot sya ng shorts at sando na white.

"What do you think? Bagay ba?" Tanong ko sa kanya.

"Damn.. ang nipis ng t-shirt na yan at kulay puti pa. Nananadya kaba?" Tanong nito.

"Tanga! Ano namang sasadyain ko? Gago kaba?!" Inis na tugon ko.

"Ah, nevermind. Let's go to the beach. Hinihintay na tayo nina Trev." He said.

Lumabas na kami ng room at naglakad nalang rin kami palabas since bawal ang teleport flash keneme nila. Nang makarating kami doon sa may elevator. May nakasabay kaming dalawang babaeng naka-bikini lang rin. Nang makita nila si Rock ay nagtilian sila ng mahina. Pinindot na ni Rock yung ground floor button, habang itong dalawang babae naman ay hindi magkamayaw sa pagpapapansin kay Rock.

Nakaka-insecure bigla, mas sexy sila kesa sakin, mas maganda, mas mukha pa silang babae.

"Ahmm, kuya!" Tawag nitong isa pero hindi sya pinansin ni Rock.

Sa halip ay hinawakan ako ni Rock sa bewang at hinatak palapit sa kanya kaya naman tumingala ako nang bahagya para tingnan sya.

"Huy.. bumitaw ka.." bulong ko sa kanya.

"No. I won't." Tugon nya.

"Ay.. taken pala."

"Sayang naman.."

Tumunog na yung elevator at nahagip ng mata ko na iniirapan nila ako. Hinigit nalang ako ni Rock palabas.

"Stupida!" Saad nya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Bakit? Sinong minumura mo dyan?" Tanong ko.

"Ang mga walang modong babae na iyon. Nilalait ka kaya kanina." Inis na saad nya at sinipa ang buhangin.

"Ha? Wala naman akong narinig.." Saad ko.

"Uh, i just read their stupid minds." Sabi nya sakin.

Hinawakan nya ang kamay ko at diretsong tumingin sakin. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at parang nagwawala ito sa kilig. Napangiwi ako sa harapan nya, for sure rinig na rinig nya dumudugdug na tibok ng puso ko.

"Inah,"

"Hmm?"

Hindi ko mabasa kung anong gustong sabihin nya. Malumanay lang syang nakatingin sakin at nakangiti.

"Kapag ba inaya kita ng kasal? Papayag ka?" Tanong nya kaya nanlaki ang mata ko.

"Bobo ka ba?! Eh, kakamag-on nga lang natin. Sira na tuktok mo noh." Sermon ko sa kanya at hinampas hampas sya.

"Kapag nga e, Kapag inaya kita." Saad nya muli.

"Oo naman, bakit hindi?" Sagot ko na walang pag-aalinlangan.

"Well, that's good." Saad nya.

Maya-maya ay nakita ko na sina Tita Rita at Tito Khean na nakaupo sa isang blanket. Naka-HHWW (holding hands while walking) kaming naglakad papunta sa kung nasaan sila Tita.

"Itigil ang kalandian!"

"Ang haharot pukingina!"

Balak ko na sanang humiwalay sa pagkakahawak ni Rock sakin pero hinigpitan nya lalo ang hawak sakin. Bumitaw naman ako kaagad sa kanya ng makita kong papalapit sakin ai Trev at naka-amba ng yakap. Sinalubong ko naman sya ng mainit na yakap, para syang isang batang paslit na sinalubong ang Mama nya.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now