Chapter 16

130 31 5
                                    

The black vampires

Inah's POV

Nagising ako dahil sa basang bagay na nasa pisngi ko. Hinawakan ko naman yun saka inamoy. Tangina! Kaagad kong ipinunas yun sa bed sheet dahil laway ko pala yun. Napabangon ako dahil sa inis.

Ambaho naman ng laway ko.

Agad akong napatulala, napatitig ako sa buong kabuuan ng kwartong ito. Biglang sumagi sa isip ko si Tita Anishia, ano kayang ginagawa nya ngayon? Kumakain ba sya ng maayos? Bakit nya kaya ako hinayaan dito? Sya lang ang meron ako. Sya lang..

At saka..

May isang bagay parin akong hindi maintindihan tungkol sa nararamdaman ko. Oo, maayos na ang pakiramdam ko dahil nasabi na sa wakas ni Rock ang totoong dahilan kung bakit nya ginawa ang bagay na yon. Pero hindi rin maalis sa isipin ko na baka magpatuloy pa ang ganung gawain nila.

Baka marami na namang mamatay, pero ipinaliwanag rin naman ni Rock na kasalanan rin naman nila yun kung bakit sila pinapatay.

Mga taong nagkasala.

Bahagya kong sinampal ang sarili ko bago tuluyang bumangon, inayos ko narin ang higaan ko. Baka sabihin ni Rock ang kapal naman ng mukha ko, nakikitira na nga lang ako kesyo rito hindi ko pa aayusin ang higaan.

Inayos ko muna ang itsura ko sa salamin bago lumabas nang kwarto.

Nagulat naman ako dahil may dalawang babae dito sa labas ng kwarto ko. Nakayuko sila sa harapan ko, balak ko sanang mag-hi kaso baka hindi ako pansinin. Agad akong yumuko rin saka dahan dahang hinawi ang buhok nila para masilip ko naman ang mukha nila.

"Bakit kayo nakayuko?" Tanong ko sa kanila habang face to face ang mga mukha namin.

"Paggalang po namin ito, Lady Inah." Sabi nila.

Umayos nalang ako ng tayo dahil feeling ko wala sila sa mood para makipaggaguhan sakin. Sa di kalayuan, nakita ko si Trev na kumakaway habang tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Kaagad naman akong naglakad papunta sa kanya saka kumaway-kaway rin. May isa akong bagay na natutunan sa lugar na ito kahit sa ilang araw pa lamang na pamamalagi ko rito sa kanila. Oo, mga bampira sila, kung i-describe sila ng mga tao halimaw sila. Pero, hindi. Para lang rin silang mga tao, nakakaramdam din sila ng sakit, may damdamin din sila, at may mga bagay silang kailangan nilang gawin kahit ayaw nila. Pero sana ol may powers.

"Ate Inah! You're gising na! Let's laro sa may garden ni Tito Khean!" Sigaw ni Trev habang papalapit sakin.

Nang makalapit na sya sakin pumapalakpak pa sya sa harapan ko. Actually, para naman syang normal na bata, ang kaso lang, yung malakas ang sayad.

"Hayaan mo muna ako kumain nang umagahan, gutom na ako e." Bulong ko sa kanya.

"Sige na nga, i can't do anything naman e baka mangain pa yang little monster sa tummy mo!" Sabi nito sakin.

Deputa?!

Minsan talaga nakakapikon na ang batang to, mapapasabi ka nalang na "putangina gusto ko sabunutan 'to."

Kaagad nya akong tinapunan nang masamang tingin, hindi ko na kasalanan kung naoffend ka, nakikibasa ka ng isip e, pwet mo.

"Hoy! I can hear yang mga pinagtatatalk mo about me!" Galit na sigaw nya.

"Bati tayo ha, maya tayo maglalaro, gutom na ko." Sabi ko at tinapik ang balikat ni Trev

Kaagad naman akong tumakbo palayo sa kanya, dumiretso ako sa kusina doon sa may hapag. Napatingin naman sakin sina Tita Rita, Tito Khean, si Gio at si Rock na sabay sabay nang kumakain.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now