Chapter 40

123 16 3
                                    

The truth

Inah's POV

Tatlong linggo na matapos kaming ikasal ni Rock. Tatlong linggo narin matapos ang trahedyang iyon.

Bakit ayaw akong layuan ng kamalasan?

Nasa gilid ako ngayon ng kwarto at nakadungaw sa malaking binatana. Napapansin kong habang patagal ng patagal ay mas lumalala ang mga bagay na pinaglilihian ko, bagama't ayaw ko man niyon, ay wala akong magagawa.

Naglilihi narin ako sa mga lamang loob. Minsan, sa kuko, pero ayokong kainin, gusto ko lang makakita ng mahahabang kuko, o kaya naman ay bangkay.. i think.. it's the worst case.

Kadalasan ang mga kilos ko ay nagagaya narin sa kanila, hindi naman ako bampira ngunit ang mga gawain nila ay madalas ko na ring ginagawa.

Bukod don, ang mga ilang bagay na tanging sila lamang ang nakakagawa ay hindi ko inaasahang kaya ko na rin. Baka.. baka dahil yun sa pagtuturo noon sakin ni Rock ng mahika?

Napaupo ako sa gilid at napahawak sa dibdib ko.

Malakas itong kumakabog at sobrang sakit dahil sa pagkirot nito, para bang tinutusok ito ng karayom.

"Mahal! Rock Montefierro!" Sigaw ko habang iniinda ang sakit.

Mas mahigpit pa akong napakapit sa dibdib ko nang maramdaman kong parang naninikip ang dibdib ko at ang leeg ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, bagkus at napayuko na lamang ako at napahawak sa tiyan ko.

Hindi ngayon.. ang anak ko..

Napatingin ako sa mga kuko ko, humahaba! Ramdam kong may tumutusok sa ibabang parte ng labi ko, at ng hawaka  ko ito ay laking gulat ko ng maramdamang pangil ito. Hindi ko alam kung dulot na ba ito ng pagkahilo, at pandidilim ng paningin ko kaya ganito ang nakikita ko.

"Inah!" Rinig kong sigaw ni Rock.

"Oh, shit?! What happened?" He asked me but i didn't answered.

Ramdam ko ang pag-aalala nya, para bang lumakas rin bigla ang pandinig ko pati ang paghinga nya ay humuhuni sa aking mga tenga, naramdaman kong dali-dali nya akong binuhat, papikit pikit ang mga mata ko, lumalabo na ang paningin ko at tanging pagkirot na lamang ng dibdib at puso ko ang nadarama ko.

Sa bawat pagpikit ng mata ko, parang nakakarinig ako ng pagdaloy ng dugo, hindi ko alam kung dugo ko ba 'yon o may umiinom ng dugo.

Nauuhaw ako..

Sa bawat lakad-takbo ni Rock para isugod ako sa clinic ay siya namang panghihina ng katawan ko at ang mas pagkirot ng dibdib ko.

Sa sobrang lakas ngayon ng pandinig ko, rinig na rinig ko na rin..

Ang pumapaloob sa isip nya.

O baka naman nagha-hallucinate na ako. Pinilit kong maigalaw ang kahit isa sa mga daliri ko, nakahinga naman ako ng maayos ng maramdamang buhay pa ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at puting ilaw ang sumalubong sakin na korteng bilog.

Kahit na gusto kong magsalita at pinipilit kong may lumabas na boses mula sa aking bibig, pero wala. Nanatili itong tikom habang pinagmamasdan ko ang malabong paligid na punong-puno ng puting mga ilaw.

Wala na ang paninikip ng dibdib ko, at sa tingin ko ay maayos na rin ako. Rinig ko ang pagbubulungan sa paligid, alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil nababanggit ang pangalan ko.

Hindi man malinaw sakin kung sino-sino ang nag-uusap, at hindi ako pamilyar sa ibang boses pero alam ko, ako ang pinag-uusapan nila.

"Are you sure that she had dandelion eyes?!"

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now