Chapter 08

187 37 17
                                    

Signora

Inah's POV

Nakaupo ako dito sa upuan ko. Kanina pa nagdi-discuss si Ma'am at kanina pa rin akong nakatingin sa upuan ni Rock na walang nakaupo.

Hindi siya pumasok.

"May problema kaya? May sakit ba siya?" Bulong kong may pag-aalala.

Nagulat ako sa isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. Napaupo naman ako sa sahig dahil sa lakas ng pagtama nito sa 'kin. Napahawak naman ako sa pisngi at labi ko.

"Aray.." bulong ko.

Nagdudugo yung pisngi at gilid ng labi ko..

"Sinong sumapal—" bago pa man ako makatayo at mapaangat ang ulo para makita kung sino ang gumawa noon sa akin, isang malakas na sampal muli ang natikman ko.

Sa pagkakataong ito. Parang tumigil ang mundo ko, ni hindi ko nga alam ang gagawin. Tanging sigawan at puro kantyawan ng mga tao ang naririnig ko.

Dahan dahan akong tumunghay dala na rin ng takot at kaba. Napatingin dito sa babaeng nasa harapan ko.

"Bakit? Ano bang ginawa ko sa iyo!" Sigaw ko sa kaniya.

Pero imbis na sumagot, nginisian niya lamang ako sabay higit sa buhok ko. Agad ko naman siyang itinulak palayo. Sinipa ko rin s'ya para mabitawan niya ako. Mabuti nalang gumana iyon.

"Sino kaba?! Ano bang problema mo!" Asik ko dito.

Hindi ko kilala ang babaeng 'to, tapos sasampalin n'ya ako? putangina.

"Ikaw babae ka! Putangina mo ah!" Sigaw ko sabay sipa sa kaniya.

Galit lang ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit tila galit na galit ako sa kanya sa mga oras na 'to. Sige nga, sinong hindi magagalit sa taong bigla bigla ka nalang sasampalin ng walang sapat na dahilan.

Bwakinangshit ulol ba sya?

"Malandi ka!" Sigaw nya na halos mapunit ang lalamunan nya.

Takhang susugudin nya ako nang biglang sinalubong sya ni Ma'am Nakajima ng isang malakas na sampal.

"Manahimik ka." Sabi ni Ma'am na may diin sa mga salita nya.

Napaupo nalang ako sa sahig nitong classroom, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Parang mabibiyak ang ulo ko dahil sobrang hindi ko masikmura ang mga nangyari.

"B-Bakit po sya galit sakin?" Tanong ko kay Ma'am Nakajima at nagsimula nang humagulgol.

"She have a mental illness. And she's obsessed with Rock Montefierro." sabi ni Ma'am kaya natauhan ako.

Kung gayon? Bakit sya sakin nagagalit?

"Alam ko! Alam ko na nilalandi mo sya! Sakin lang sya! Sakin—" nagulat ako nang may dumating na mga taong nakaputi at may kung anong tinurok sa leeg nya kaya bumagsak sya sa sahig.

Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa sobrang gulat. Tinulungan ako ni Ma'am Nakajima na tumayo at bumalik sa upuan ko.

"Okay ka lang ba? Signora?" Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong ni Ma'am.

Hinatid ako ni Ma'am Nakajima sa clinic para daw magamot yung sugat na natamo ko dahil sa pagkakasampal sakin kanina. Medjo nagdudugo pa nga din yung labi ko.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now