Chapter 06

233 34 28
                                    

Look who?

Inah's POV

Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba at takot habang nakatitig sa police line na nakapalibot doon sa Girls CR.

Wala pa mang isang oras simula nang matuklasan namin ito ni Rain. Pero, nakapalibot na dito ang mga studyante. Hindi sila mapigilan ng mga teacher na maki-usyoso dahil na rin curious ang mga studyante. Mabuti nalang talaga nakacontact agad ng police yung teacher na pinagsumbungan namin.

"Sino daw nakakita?"

"Hala, nakakaawa naman."

"Iba uniform niya, no?"

"Hala, patay na nga."

"Nakakatakot naman."

"Ano kayang ikinamatay?"

Sunod sunod nilang mga bulungan. Nasa tabi ko si Rain, pilit na pinapakalma ng isang nurse. May dumating din kasing mga ambulance. Para kapag daw sakaling buhay pa or maisasalba pa. Pero, hindi na talaga. Flat line na daw talaga iyon.

"Inah.. natatakot ako.." Sabi ni Rain sa akin.

Hinimas himas ko naman siya sa likod at pilit na pinapakalma.

Nilapitan ako ng ibang mga police officers. May hawak silang ballpen at papel. Interview.

"Hi, we're Camellia Police officers." Pakilala nila sa akin.

"Ako po si Inah Walter." Sabi ko at nginitian sila.

"Kung gayon po, Ms. Inah magtatanong lang kami ng mga ilang mahahalagang katanungan." Sabi nila sa akin kaya tumango nalang ako.

"Mga anong oras nyo po nakita ang bangkay?"

"Mga 1 and a half hour ago po, Sir." Sagot ko dito.

"May napansin ka bang mga kahina hinalang tao na dumaan dito bago kayo ng kaibigan mo?" Tanong ulit nila sakin.

"Wala naman po, Sir."

"Sige po, Maraming salamat po. Kakausapin ko nalang po ulit kayo mamaya kapag kukuha na kami ng final statement." Sabi nila at nginitian ako.

Bumalik sila doon sa loob ng Girls CR. Lumusot sila sa police line, ipinagpatuloy nila ang pag iimbestiga sa bangkay.

"Bes, kinakabahan ako." Sabi ni Rain sa akin.

"Bakit naman? Wala naman tayong kasalanan. Nakita lang natin." Sabi ko rito at hinimas himas ang likod niya.

"Parang kilala ko kasi siya, bes." Bulong niya sa akin kaya naman napatitig ako sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at parang may ibubulong.

"Gaga, sino iyon?" Bulong ko dito.

"Kanina noong tinitigan ko yung mukha niya.. Naalala ko bigla na nakalaban ko siya noon sa journalism." Bulong niya sa 'kin.

"Tapos?"

"Natalo namin siya." bulong niya sa 'kin na may halong kaba.

"Oh? E, ano naman ngayon? Okay lang yan. Wala namang connect iyon sa nangyari ngayon." Sabi ko sa kanya at pilit siyang pinapakalma.

"P-Pagbibintangan ba nila ako?"

"Hindi, never."

"Kase.." kita ko talaga sa mukha nya na kinakabahan sya.

"Bakit ka ba nag aalala at kinakabahan diyan? May kinalaman ka 'no?" Pagbibiro ko dito, sabay tawa ko ng bahagya para naman siguro kapit papaano mapagaan ko yung loob niya.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now