Chapter 21

113 24 6
                                    

Out of conversation

Inah's POV

Nakitulog si Rock sa kwarto ko kagabi. Pinipilit ko ngayong alisin ang mga braso nyang nakadagan sakin. Unti-unti na akong nawawalan ng pasensya kaya naman itinulak ko na sya pababa sa kama, kaagad naman syang lumagapak sa ibaba.

Dahan-dahan syang bumangon mula sa pagkakalagpak sa sahig at pinatitigan ako ng matalim na tingin.

"Damn.. it hurts." Daing nya.

"Aba! Eh, ikaw e! Kasalanan mo yan! Kung makahalimod ka sa akin, daig mo pa ang pusang inalagaan ko noon!" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat ako nang lapitan nya ako at dahan-dahang inilapit sa mukha ko ang mukha nya.

pLeAsE, KiZz mE!!

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Napayuko nalang ako sa hiya. For sure, narinig nya yung iniisip kong iyon. I swear! Hindi ko naman sya pinagnanasaan, at hindi ko rin naman sya hinuhubaran sa isipan ko, sadyang mali lang talaga yung pagkakagets nya.

"Uh, nah, stop explaining." Sabi ni Rock at hinawakan ang baba ko.

Kaagad nya akong iniharap sa kanya at ipinaglapat ang mga labi namin. Wala pang dalawang segundo ay naglayo na ulit kami. Nakangiti lang sya sakin.

oWw! NoT mE ScReAminG iNsiDe!! AAAHHH!

"Get up. Umaga na. Tara na." Sabi nya sakin at hinila ako pababa ng kama.

Magkasabay kaming lumabas ng kwarto at pinagtinginan pa kami ng mga maid. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung anong posibleng iniisip ng mga maids nila, hindi! Hala, baka isipin nila na nags-x kami ni Rock, which is hindi naman nangyari. Daig pa nang mga bampirang ito ang pinaka-malalang chismosa sa mga tao e, mas malala pa sila aa CCTV kasi kahit laman ng utak mo nahahalugad nila e.

OwMyGhAd!!

"ENOUGH!" Malakas na sigaw ni Rock kaya naman napalayo ako sa kanya.

Napatitig nalang ako sa mga maids na bigla nalang napayuko sa harapan ni Rock dahil sa takot, hindi ko alam kung yuyuko rin ba ako or what, kailangan ko rin bang gawin yan sa harapan nya? Napaatras naman ako dahil may mga ilan nang umiyak, humahagulgol, at nagmamakaawa kay Rock.

"R-Rock.. papatayin mo ba sila?" Tanong ko kay Rock kaya naman napatingin ito sakin.

Nanlaki naman ang mata ko at kaagad na umiwas ng tingin sa kanya. Ang sama ng tingin nya sa lahat at kulay pula na ang mata nya. Napalunok ako ng ilang beses, ayokong madawit dito. Gulat akong napatingin sa mga maids, mas lalo pa silang ngumawa pagkatapos marinig yung itinanong ko kay Rock kung papatayin ba sila...

"Inah, gusto mo bang patayin ko nalang sila?" Mahinanong tanong sakin ni Rock.

Mariin akong umiling. Tangina neto, ako pa ang ipapahamak. Minsan talaga mapapaisip ka nalang kung malasa-maligno sya o malasa-demunyu e. Nagulat ako nang sunod-sunod na nagsalita ang mga maids nina Rock, habang si Rock at naka cross arms lang.

"Hindi na po mauulit."

"Nagmamakaawa po ako, huwag nyo po kaming lagutan nang hininga."

"Magpapakabait na po kami kay Lady Inah!"

"Hindi na po kami magba-bad mouth kay Lady Inah."

Nanlaki ang butas ng ilong ko sa mga narinig ko. So, tama nga ang iniisip ko kanina. Talaga itong mga bampirang ito, grabe maka-judge. Mga napaka judge mental. Mariin akong napasinghot sa inis. Tumakbo nalang ako palayo roon, binabackstabb pala nila ako sa isip nila. Ang bad naman. Dumiretso ako sa garden.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now