Chapter 26

114 28 8
                                    

Tw: If you have traumas in sexual harassments, please be careful while reading this chapter. Harassment may be included in this chapter. : )

***


Montefierro Clan's Party

Inah's POV

Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinakakatitigan ang sarili ko sa salamin. Suot-suot ko ang isang red long gown na may hati sa gilid kaya naman kita ang hita ko, off shoulder din ang style ng isang 'to kaya naman muka akong eleganteng tingnan

Napahinga ako ng maluwag dahil nagsisimula na akong kabahan, ngayon pa lang ako makaka-attend sa party na puro bampira ang imbitado at hindi tao. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin, sigurado akong madi-discriminate ako dahil kakaiba ako sa kanila pero ipinapanalangin ko parin na sana hindi mangyari ang bagay na iyon. Saka isa pa, ayoko naman talagang ma-discriminate noh.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman at dumadaloy sa katawan ko. Ngayon palang ulit ako makakalabas dito sa labas ng Mansion de Montefierro, i mean, oo nakakalabas naman ako sa labas ng mansion dahil nasa labas yung garden nila, pero parte parin yun ng kalupaan ng mga Montefierro. Ngayon palang ako makakalabas sa labas ng puder nila makalipas ang tatlong buwan kong mapapalagi dito.

Tatlong buwan na ako dito..

Kamusta na kaya si Tita Anishia?

Maya-maya pa ay kumatok sa pinto kaya naman pumunta ako don para pagbuksan kung sino man iyon.

"You look.. great..." Mahinahong sabi ni Rock habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang baba.

"Maganda ba? Bagay ba sakin?" Tanong ko sa kanya at umikot pa sa harapan nya.

"Kahit ano naman bagay sayo.. ang ganda mo." Saad nya habang nakatingin sakin.

"Palagi naman akong maganda." Saad ko kay Rock.

"Good to hear that. Let's go?" Sabi nya at inilahad sakin ang kamay nya.

Kaagad naman akong kumapit sa kamay nya. Nakangiti lang sya sakin habang naglalakad kami, maya-maya pa ay nakarating na kami sa may sala. Doon pala kami hinihintay nina Tita Rita, Tito Khean, Gio at Trev. Si Trev ay boring na boring habang nakaupo sa sofa, habang si Gio naman ay nakatulala sa kisame, habang sina Tito at Tita naman ay matiyaga kaming hinihintay.

Nang makita ako ni Trev at ngumiti kaagad sya ng malapad.

"Omg! Ganda mo super! By the way, why so tagal naman?" Reklamo nito.

"May inayos lang ako sa gown-"

"Baka may iba pa silang ginawa. Baka nagchukchakan pa sila. Alam mo yun Trev, mwamwachupchup talap-talap." Singit ni Gio kaya naman nakatanggap agad sya ng sapok kay Tita Rita.

"Pagpasensyahan mo na ang binatang iyan. Madalas talagang hindi maganda ang lumalabas aa bunganga nyan, naiimpluwensyahan na nga si Trevor minsan." Dispensa ni Tita sakin.

"Ay! No problem naman po iyon! Okay lang!" Sabi ko kay Tita at nag-okay sign pa ako.

"Syempre okay lang kasi totoo naman na nagmwamwa-Aray naman kasi Tita!!" Sigaw ni Gio dahil isang mas malakas na sapok pa ang tinanggap ng ulo nya mula kay Tita Rita.

"Umayos ka." Mariin na sabi ni Tita Rita.

"Humingi ka ng tawad." Dagdag pa ni Tita.

Dahan-dahan namang napatingin sakin si Gio na mangiyak-ngiyak na dahil sa malakas na sapok sa kanya ni Tita. Napangiwi naman ako sa sitwasyon nya, habang si Rock ay walang reaksyon sa mga nangyayari.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now