Chapter 12

192 38 5
                                    

Mansion

Inah's POV

Dinala ako ni Rock sa Mansion nila. Di talaga ako makapaniwalang bampira sya. Pero dahil narin sa mga patunay na ipinakita na nya sakin, medyo naniwala na ako.

Slight lang.

"Dito muna ang kwarto mo." sabi ni Rock at inihatid ako sa isang kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa kama. Agad din naman akong tinabihan ni Rock.

"S-Si Rain.. wala na." bulong ko.

Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at tuluyan na lang umiyak sa harapan nya. Isinandal naman nya ako sa mga bisig nya na lalo pang nakapagpaiyak sakin.

"I'm sorry.." bulong nya sakin.

"Bakit kasi may ganun pa! Para saan ba yun! Wala naman naitulong yon!" sigaw ko sa kanya habang dinuduro duro ko sya.

"I have my reasons." sabi nya sakin.

"Ano ba yang mga reasons mong yan? Bakit mas mahalaga pa ba yan sa buhay ng mga tao ha?!" inis na sigaw ko sa kanya.

"I think so.. yes, it is."

Ginagago nya ba ako?

"Pero yung kaibigan ko! Pati sya—" nagulat ako nang bigla nya akong higitin at yakapin.

Masyado na akong nadadala ng emosyon ko. Abot langit ang pagluluksa ko dahil nawalan ako ng kaibigan na pinakamamahal ko.

"Maybe soon, saka ko masasabi sayo ang lahat. But for now, stay here for good." Sabi nya sakin at dahan dahan akong iniharap sa kanya.

"It's my clans fault." mahinang sabi nya sakin.

Clan? Angkan?

"Bakit? Ano bang kinalaman nila?" naguguluhan kong tanong.

"Saka ko nalang ipapaliwanag sayo. Kahit naman sabihin ko sayo ngayon, i'm sure, you'll be so confused. And di mo rin agad maiintindihan." paliwanag nya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako. Kung ano man ang kinalaman ng angkan nya, sigurado akong may dahilan sila.

Gusto kong magluksa para kay Rain, hindi naging maganda at makatarungan ang pagkamatay nya. Gusto ko syang ipagluksa kahit na dito lang.

Sana lang alam na rin to ng mama nya.

"Rock, pwede bang iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa." sabi ko kay Rock. "At gusto ko rin ipagluksa si Rain." bulong ko.

"Sure. But for now, stay here for good." sabi ni Rock sakin at agad din syang umalis sa kwarto.

Dali dali akong pumunta sa tapat ng malaking bintana dito. Ang lamig ng simoy ng hangin. Napatingin ako sa labas. Hapon na.

Dapit hapon na.

Siguro nga bampira talaga sya. Isipin mo naman, ang bahay nyo nasa gitna ng malawak na kagubatan. Grabe, ang layo na nito sa school.

"Nagteteleport ba sila ganun?" tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa baba. Puro puno, damo, mga punong kahoy, at mga halaman lang ang nakikita ko. At sa tingin ko, nasa mataas na palapag ako ng Mansion nila. Ang liliit ng kalahatan dahil ang layo na nila.

Kitang kita ko rin kung paano lumipad ang mga ibon, pati ang mga paniki. Kitang kita ko rin kung paano lumubog ang araw.

"Mag gagabi na." bulong ko.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now