Chapter 22

107 26 4
                                    

tw: death, killings.

Paglusob

Inah's POV

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko narin kaagad ang pinagkainan ko. Ayoko namang si Rock parin ang maghugas non e, pinaghanda na nga nya ako ng pagkain.

"Inah.." Tawag nya sa 'kin.

Nagulat ako ng yakapin nya ako mula sa likuran. Yung back-hug ba. Gulat akong napatingin sa kanya dahil nakapatong ang ulo nya sa balikat ko at ramdam ko ang mainit nyang hininga sa may leeg ko. Napalunok ako, hindi ako sanay na ganito ang inaasta ni Rock.

"Inah.. uy.." Tawag nya ulit sakin pero mas minabuti kong intindihin ang paghuhugas ng plato.

Hinugasan ko narin yung ibang platong nakabalehandra dito na hindi parin nahuhugasan. Akala ko topz lang yung meron sila, mabuti nalang may diswashing liquid sila. Hinugasan ko narin yung ma-uling na kawali. Kahit naman papaano, gusto kong makatulong sa kanila dahil pinatitira na nga nila ako rito tapos magiging batugan pa ako.

"Uh.. Inah, hindi mo ba ako papansinin?" Sabi ulit ni Rock at ramdam ko ang malalim nyang pagbuntong hininga.

"Bakit ba? Nililinis ko pa itong mauling na kawali." Sabi ko sa kanya.

"I want to court you." Sabi nya kaya napatigil ako sa kanya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at agad na humarap sa kanya, napabitaw naman sya sa pagkakayakap sakin. Teka? Akala ko nanliligaw na sya sakin, naguguluhan ako, nasa ligawan stage pa ba kami? o baka mamaya nasa talking stage na kami, baka naman nasa m.u (mutual understanding) stage na? o baka kami na?

"Teka? Akala ko nanliligaw kana sakin?" Saad ko.

"I think, No. Puro panlalandi lang naman ang ginagawa ko." Sabi nya sakin.

"Naglalandian na tayo, Rock. Tayong dalawa, naglalandian tayo." Paglilinaw ko sa kanya.

"Ow, yeah! Right! Naglalandian na tayo, pero hindi tayo. Hmmm? Isn't that courting stage anymore right?" Tanong nya sakin.

Napasapok naman ako sa noo ko. Kaya nga ako napapaisip kung magkaano-ano na kami dahil naguguluhan narin ako tapos ibabalik naman nya sakin yung tanong ko. Nakasinghot ba ito ng drugs? Feeling ko, nasa landian stage pero walang label kami. Marami naman sigurong gumagawa nang bagay na yun diba? So, valid naman siguro itong paglalandian namin?

"Like what i've said, i will always give you assurance. I will treat you the way you deserve to be treated." Sabi ni Rock sakin.

"So, okay.. Nasa landian stage palang tayo. But, i think mas better if isasabay ko narin ang panliligaw." Suhestiyon nya.

Hindi nalang ako umangal at sumang-ayon nalang kasi mas hahaba pa ang putanginang usapan na hindi ko narin maintindihan. Baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan naming ito.

Masaya ako kapag kasama ko si Rock. Hindi narin ako galit sa kanya at magaan na ang pakiramdam ko.

"Rock, sa tingin ko naiintindihan ko na nang buo yung tradition nyo." Sabi ko sa kanya.

"And? What about that?"

"Naiintindihan ko narin kung bakit mo nagawa yun, para rin naman pala sakin yun. Gusto ko lang magpasalamat. Saka, quits na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Are you forgiving me na about that field trip?" Tanong nya.

Bahagya akong tumango bilang sagot. Napangiti naman sya sakin at kaagad akong niyakap. Napag-isip isip ko narin kasi ang mga nangyari sa buhay ko lately, mas naliliniwanagan narin ako. Naiintindihan ko narin ang punto nya. Hindi nya ginusto yun, wala lang syang choice kasi para sakin rin naman iyon. Baka nga, ganun lang talaga ang pamumuhay nila, at wala rin naman sigurong mawawala kung susubukan kong intindihin sila dahil ginagawa rin naman nila ang best nila para intindihin ako.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now