Chapter 18

112 31 6
                                    

Playmates

Inah's POV

Kanina pa kaming naglalaro ni Trev dito sa garden at kanina nya parin akong dinadaya. Kada naghahabulan kami, gumagamit sya kapangyarihan, kapag naman nagtatagu-taguan kami nagteteleport sya. Ilang beses na akong nagdabog dahil galit ako, pero wala naman akong magagawa.

"Haha! You taya!" Sigaw ni Trev na nasa taas ng puno.

"Tangina mo kang bata ka! Nanggigigil na ako sayong bata ka! Napaka-unfair mo! Napaka-daya mo kalaro! Naiinis na ako! Kapag ako nabwisit na talaga! Hay, nako ewan ko sayo, wala nang makikipaglaro sayo forevermore!" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Rock sa harapan ko. Bakit? Tatampalin nya ba ang bibig ko dahil sa masasamang salita na sinabi ko? Napalunok ako dahil masama ang tingin nya sakin, nakataas ang isang kilay nya at nakakunot ang noo nya. Napangiwi naman ako sa kanya. Akala ko ako ang papagalitan nya pero tumingin sya sa taaa ng puno kung nasaan si Trev, ikinumpas nya lang ang hintuturo nya at nalaglag si Trev sa lupa.

"Don't use powers, that's cheating and it's not fair for Lady Inah." Suway ni Rock sa kanya.

"Pero kuya Rock!!—" Pagmamaktol ni Trev.

"Eh kung suntukin kita?!" Sigaw ni Rock.

"Hehe, peace lang naman ih, you're so galitin!" Saad ni Trev.

Napatawa naman ako sa kanila, para silang mga batang nag-aaway dahil sa kendi. Agad silang napatingin sakin, naku po, nabasa at narinig ba nila ang iniisip ko abt sa kanila?

"Oo." Mariin na sabi ni Rock.

"A-Ay.. hehe... Actually, Rock ang cute nyo ngang dalawa e." Palusot ko.

Siningkitan nya lang ako ng mata at muling ibinalik ang tingin nya kay Trev. Tahimik lang naman si Trev na nakaupo sa lupa habang nakayuko. Aba! Himala! Ganyan pala sya kapag napapagalitan ni Rock, bumabait ang demonyong ispiritu nya, pero noong pinagalitan sya ni Tito Khean kanina sumasagot pa tapos biglang iiyak pero kapag naman si Rock ang nanuway sa kanya, okay lang, animo’y bigla syang nagiging isang mabait na tupa.

Rinig kong pinipigilan ni Rock na umismid sa pagtawa, habang si Trev naman ay masama ang tingin sakin.

"Bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Nothing. Trevor Lerioah, no powers. Okay?" Sabi ni Rock kay Trev.

Kaagad namang tumayo si Trev mula sa pagkaka-upo nya sa lupa, nag-okay sign sya kay Rock at nagsalute pa senyales na sumasang-ayon sya sa kondisyones ni Mayordoma Rock.

"I'm not mayordoma. Play with him." Seryosong sabi ni Rock at bumalik sya sa pwesto nya kanina.

Pero si Trev nakaupo parin sa lupa, kaya naman tinabihan ko sya. Baka nagpapahinga muna sya tutal nakakapagod naman talaga yung nilalaro namin kanina. Tumingin sakin si Trev at sinenyasan nya na ilapit ko ang mukha ko sa kanya at parang may ibubulong sya.

"Ano ba yun?" Bulong ko sa kanya.

"Nakakatakot si kuya Rock..." Bulong nya sakin.

"May pabulong-bulong ka pa dyan as if naman na hindi maririnig non, eh parang kasing laki ng giant elephant ang tenga non e." Sabi ko kay Trev sabay turo kay Rock na nakatingin samin.

Kita kong masama ang tingin sakin ni Rock pero tinarayan ko lang sya. Akala nya ba sya lang ang may karapatang magtaray, lol no.. Of course may karapatan din ako, saming dalawa ako yung babae pero kung umasta sya eh mas mataray pa sya sakin.

Nagulat ako ng tumayo si Rock sa pwesto nya at akmang lalapit sakin kaya naman nilapitan ko pa si Trev at tumabi pa ako sa kanya ng husto. Napatingin naman sya sakin.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now