Chapter 28

111 24 3
                                    

Tw: mention of death & suicide may be included in this chapter.

R18. Read at your own risk. You know, so please be responsible.

***


Kiro Montefierro

Inah's POV

Narinig namin ni Rock na nagkakagulo sa may labas kaya naman lumabas kami ng kwarto. Bumaba kami sa first floor at dumiretso sa kwarto ng isang maid nina Rock.

Halos lahat ng maids nina Rock ay nakiki-chismis kung anong nangyayari kaya naman sumilip nalang rin kami.

Napatakip ako sa bibig ako kaagad na nagtago sa likuran ni Rock nang makita ang isang bangkay na nakabigti. Wala na syang buhay at maitim-itim narin ang kulay nya. Si Tita Rita, Tito Khean, Gio at Trev ay nasa loob ng kwartong iyon ay parang sinisiyasat nila ito.

"Inah, stay here." Sabi ni Rock at akmang pupunta roon pero pinigilan ko sya.

"Sandali lang ako." Sabi nya at iniwan ako.

"Lady Inah, nandito naman po kami." Saad ng isang maid nila na mugto ang mata.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Opo! Maayos po ang pakiramdam ko-" Saad nya sakin pero bigla nalang syang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

Mabuti nalang at nasalo ko sya. Sabay kaming napasalampak sa sahig. Kaagad namang nataranta ang iba pang mga maids na andito. Hinawakan ko sa pisngi ang babaeng ito, hinawakan ko rin ang pulsuhan at leeg nya, nakahinga naman ako nang maluwag nang malamang buhay pa sya.

"Naku po!"

"Anong nangyari sa kanya?"

"Dalhin natin sya kay Doktora Montefierro!"

"Lady Inah? Humihinga pa ba sya?"

Napatingin naman ako doon sa babaeng nagtanong sakin.

"Oo. Buhay pa naman sya. Huwag kayong mag-alala." Saad ko sa kanya at ngumiti ng bahagya.

Kagaya ng sinabi nila, sinamahan ko silang dalhin itong babae kay Doktora Montefierro, pagkarating namin doon, bumungad samin ang isang matandang babae. Manipis ng kilay nya at putok na putok ang red lipstick sa labi nya.

"Tulungan nyo po kami! Nahimatay po si Esidle kanina!" Sigaw nitong isang maid.

Tinulungan ko naman syang buhatin si Esidle sa kama. Kaagad naman syang nilapitan nung doktora at tiningnan. Habang ako ay nasa gilid lang kasama ang iba pang mga maids at nagngangatal ako sa takot.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng doktora.

"Nahimatay po sya pagkatapos nyang makita na nagbigti ang ate nya." Sagot nitong isa.

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko, kapatid nya yung nagbigti?

"Opo. Pasensya na po kung binabasa namin ang isip mo." Saad ng isang maid at napayuko sa harapan ko.

"No, okay lang." Saad ko sa kanila.

"Bakit nga pala nagbigti yung babae? Okay lang ba sya?" Tanong ko sa kanila na may halong pag-aalala.

"Ang babaeng yon po ay si Isidra, ang nakakatandang kapatid ni Esidle. Kaibigan po ako ni Isidra at Esidle at alam ko ang mga pinagdadaanan nila dahil nagkwe-kwento naman sila, pero nitong nakaraan, noong nakaraang linggo po, bigla nalang tumakbo si Isidra papunta sakin at kaagad nyang ni-lock ang pinto. Bilang kaibigan nya, nag-alala ako kaya naman tinanong ko sya kung anong problema, ang isinagot nya sakin.." Maluha-luha nyang kwento kaya naman nilapitan ko sya at hinimas-himas ang likuran nya upang mapakalma naman sya.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now