Chapter 29

108 25 3
                                    

Justice

Inah's POV

Nililitis ngayon sa (MSC) Montefierro Supreme Court si Kiro. Umiiyak naman sa gilid si Esidle at ang mga kaibigan nya at ng ate nya dahil sa galit. Gusto ko sana silang lapitan pero mukhang hindi ito ang oras para doon, ayokong makaabala sa nangyayaring paglilitis.

"Ginahasa nya ang ate ko nang paulit-ulit! Napababoy nyang bampira! Masahol pa sya sa nabubulok na oso!" Sigaw ni Esidle.

"Oo nga! Napaka-hayop nya!" Sigaw ng kaibigan ni Esidle.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila mula sa kabilang banda. Umiiyak sila at dinuduro duro nila si Kiro sa galit. Habang wala namang emosyon si Kiro habang nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa lahat ng bampirang naririto. Nahihiya na ba sya sa ginawa nya? Tangina! Dapat lang!

"Inah, calm down.." Saad ni Rock at hinawakan ang balikat ko.

Napatingin ako sa kanya at nakasilay sa kanya ang bahagya nyang ngiti. Hinawakan ko rin naman ang kamay nya, naramdaman kong sobrang lamig ng kamay nya ngayon kumpara sa normal na temperatura nya.

"Huy? Okay ka lang ba? Bat ang lamig mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya at hinawakan ang pisngi at noo nito.

"Nah, i'm okay.." Bulong nya sakin.

"Ate Inah, Kuya Rock, i think.. kailangan na nating umalis.." Sabi ni Trev at napatingin sa may pintuan nitong (MSC) Montefierro Supreme Court room. Bumungad samin si Tita Rita at Tito Khean. May dala-dala silang suitcase at may dala-dala rin silang parang isang lumang notebook.

"Nandito na sina Tita Mommy.. she will scold me." Bulong ni Trev.

"Malamang, pasaway ka e." Sabi ni Gio.

Kita ko namang pormal na nag-bow si Tito at Tita sa harapan ng judge. Noong tumughay sila ay tumingin sila kay Kiro, kitang-kita ko kung paano mamutla si Kiro at mabilis muling napayuko dahil sa kahihiyang dinadanas nya.

"I'm Rita Montefierro, this is my husband, Khean Montefierro. Kami ang lawyer ni Isidra at Esidle." Sabi ni Tita Rita.

Kaagad namang gumawa iyon ng malakas ng bulungan sa loob ng (MSC). May ibang nagpapanic, may ibang napa-ohh reaction, at may ibang kinukutya at pinupuri sila.

"Magaling yan mga lawyer na 'yan!"

"Syempre! Nasa lahi ni Highest Superior.."

"Grabe, tagapak na sa baba yang si Kiro."

"Booooooh!"

"Woooooooh! Kaya nyo yan Rita!"

"Madam! Madam.. s-salamat po.."

Hindi ko akalain na ganoon pala talaga kasikat si Tita Rita at Tito Khean. Napangiti ako dahil pakiramdam ko makakamit na talaga ni Isidra ang hustisya na para sa kanya.

"Proceed," sabi noong judge.

"Okay. Thankyou, sir." Magalang na tugon nina Tita.

May inilahad na silang isang lumang notebook sa harapan ng akusado at ng judge. Napatingin ako doon at nakuha rin non ang atensyon ng kalahatan.

"We have an evidence," sabi ni Tita at tinaas yun saka sya tumingin sa lahat. "To prove that Kiro.. is indeed guilty." Mas lalo pang lumakas ang bulungan at napuno ng iyakan sa kabilang gilid dahil naroroon ang lahat ng maids.

Muling humarap si Tita sa Judge at ngumiti ito ng plastik, ganoon rin ang ginawa nitong judge.

"Yung judge, si Kelson yun. Tito ni Kiro." Sabi ni Gio sakin.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now