Chapter 04

220 44 2
                                    

Tickets

Inah's POV

Agad akong napaisip dahil doon sa tickets. What does it means by “Happy playing, enjoy.” Parang masama ang kutob ko dito pero hindi ko maintindihan kung bakit? May masama bang mangyayari? May koneksyon ba 'to sa akin?

"Tulala ka diyan, ah." Sabi ni Rain na katabi ko lang.

Naglalakad kami sa gitna ng hallway, pabalik sa classroom namin. Ipapamigay na daw to sa classmates ko. Before yung araw ng fieldtrip, ang deadline ng bayad. If mawala mo yung ticket, it's your fault. Hindi na iyon kargado ng school.

"Huwag natin bigyan ng ticket yung bida bida nating kaklase." Sabi ni Rain.

"Isa ka rin namang ubod at saksakan ng tanga," Sabi ko dito "Bawal iyon tanga!" Dagdag ko pa.

Kita ko ang pagsimangot sa mukha nya. Pinadyak-padyak nya pa ang mga paa niya na para bang galit na bata at nasa edad 5 pataas kung mag isip. Oh 'di ba, tangengot lang.

Nakarating kami sa classroom, agad akong nilapitan nang mga pabida, mapapel at papansin kong kaklase. Kaniya kaniya silang demand sa akin na nasaan daw yung tickets nila.

Potangina naman oh, hindi makaintay?! Atat?!

Ipinamigay ko yung tickets base doon sa pangalan na magkakasunod-sunod doon sa listahan. Kasama palang ibinigay ni Ma'am pabalik sa 'kin yung listahan, hindi ko napansin.

"Klaire.."

"Jenn.."

"Axe.."

"Keanu..."

"Johann.."

Napatingin ako doon sa sunod na nasa listahan. Si Rock. Dapat ko bang tawagin or wag na? Manigas siya don.

"I'm the next right?"

"Putang ina!" Sigaw ko.

Hindi ko namalayang andito na siya sa tabi ko, tangina? Gago flash lang? Ang bilis niya. Parang nagteleport kasi kita kong andoon siya sa upuan niya na may medyo kalayuan sa akin, kaya paano?

Paanong nasa tabi ko na?!

"Hey miss, where's my ticket?"

"Ahh eto.." Sabi ko at taranta itong naibigay sa kaniya.

Demanding na nga, mayabang pa. Charet!

Natapos ko ng ipamigay ang mga tickets at heto ako nakatitig sa sarili kong ticket na hawak hawak ko.

"Tangina, bakit ganito design?" Bulong ko.

Bukod sa black and red ang design tangina napaka makaluma naman atang paraan ng ginamit nila dito.

Ang lumang tingnan.

Para bang andoon ka pa din sa panahon ng may mga naggegera. Kagaya ng laban ni Lapu Lapu saka si Magellan, basta ganoon. Ang luma talaga niyang tingnan besides, nakakatakot yung awra niya. Nakakatakot tingnan at higit sa lahat bakit naman parang may something deadly design 'to sa gilid?

Gago ano iyan, kamatayan haha pota.

Hayst, napatingin ako doon sa isang parte ng ticket.

“Happy playing, enjoy.”

Whatever, kung ano man ang ibigsabihin nyan sana cool.

Tumunog yung bell sign na uwian na. Kasama ko si Rain at naglalakad kaming pareho palabas ng school. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip dahil dito sa style at designs sa tickets, sobrang kakaiba kasi. Parang may mali.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now