Chapter 30

112 24 14
                                    

It's Official

Inah's POV

Nagising ako sa mahigpit na yakap ni Rock sakin. Nakapulupot ang mga braso nya sa bewang ko at nakasubsob ako sa dibdib nya. Ramdam ko ang bawat paghinga nya, hindi narin sya ganoon kainit kagaya kagabi.

Bumangon ako at tinanggal ang towel na nasa gilid na ng unan nya, bumaba ako sa kama at nagpunta sa banyo nya rito, binanlawan ko yon at piniga ng mabuti. Muli kong binalikan si Rock na mahimbing na natutulog sa kama. Pinunasan ko ang mukha nya pati ang braso nya, kailangan mailabas rin yung mga excess na init sa katawan nya.

"Hmmhmm," ungot nya.

"Pinupunasan lang kita ha, good morning." Saad ko sa kanya

"Hmm, Inah.." nakangiti nyang sabi pero bakas parin sa kanya ang antok dahil nakapikit pa ang mga mata nya.

"Good morning." Mahina nyang tugon.

Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata nya saka nya ako tinitigan. Bumangon sya at kaagad akong niyakap. Ngumiti naman ako ng malapad habang nakayakap sya sakin, kumalas sya sa pagkakayakap sakin at hinalikan ako sa labi.

"Ipagdadala na kita rito ng pagkain, humiga ka nalang muna riyan at magpahinga ka." Saad ko sa kanya.

"Nah, i'm okay. Kaya ko naman." Sabi nya at tumayo. "Look, i'm not sick anymore!" Saad ni Rock at may pagtalon-talon pa.

"Oo na." Sabi ko at tumayo ako mula sa kama.

"Liligpitin ko lang-"

"Yung mga maids nalang ang magliligpit nyan, come on." Saad ni Rock sakin.

"Pagod sila dahil sa nangyari kahapon, ako nang bahala rito." Saad ko at inayos ang gulo gulo nyang kumot na nakabalehandra sa kama nya.

Niligpit ko narin ang basang towel na ipinangpunas ko sa kanya kanina. Piniga ko yun at kaagad na isinampay sa corridor. Hindi ko napansin na nakasunod pala si Rock sa baway galaw ko, kingina! As in! Para ko syang buntot dahil sa ginagawa nya.

Kaagad ko syang hinarap at tinaasan ko ito ng kilay.

"Let's go down." Sabi ni Rock sakin.

"Ay! Oo nga noh! 8 A.M na!" Saad ko sa kanya at akmang tatakbo papuntang kusina sa may hapag kainan pero hinila ako ni Rock at pinigilan.

"Sabay tayo, nangunguna ka naman e." Sabi nya sakin.

Sabay kaming nagpunta sa dinner area kagaya ng nais nya. Pagkarating namin doon, may apat na box ng mga sealed na cellphone, hindi pa nabubuksan. Umupo ako sa usual na inuupuan ko doon at nasa tapat ko naman si Rock, katabi ko si Trev at kaharap ko rin sa kanang bahagi si Gio.

"Para saan po ang mga cellphone? Nag-cecellphone po pala ang mga bampira? Owz, nice!" Saad ko sa kanila.

Nasan na kaya yung cellphone ko?

"Gaga! That's para sa atin kaya. How to use that ba??" Sabi ni Trev at napatingin ako sa kanya.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya. May kapangyarihan naman sila at mabilis nilang nagagawa ang mga bagay bagay dahil mga bampira sila hindi ko magets kung kailangan pa nila ng cellphones. Napatingin ako kay Gio na binuksan na yung isang cellphone, bahagya akong napahampas sa noo nya dahil sa pinaggagagawa nya roon sa cellphone. Ginagawa nyang parang manibela ng broom-broom este motor. Kaagad akong tumayo at inagaw sa kanya yun.

"Tangina! Cellphone 'to hindi manibela! Mali ang paggamit mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh, eh ano e.. eh ngayon lang ako nakakita nyan e," depensa nya.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now