Chapter 09

181 39 5
                                    

Movie

Inah's POV

Andito ako sa loob ng kwarto ko. Walang pasok. Tapos bukas na nakatakda yung fieldtrip namin. Wala pa man lang akong naihahandang dadalhin.

"Inah? Andyan kaba?" Tanong ni Tita habang kumakatok sa pintuan.

Agad akong tumayo para pagbuksan ng pintuan si Tita. Bumungad naman sakin ang nakangiting mukha nya. Bahagya pa syang sumilip sa loob ng kwarto ko kaya lalo kong ibinukas ang pinto.

"May itatanong lang sana ako? Nakita mo ba yung I.D. ko?"  Tanong ni Tita sakin.

"Ahh opo. Andoon iyon sa may study table ko, Naiwan nyo po iyon noong isang araw." Sabi ko sa kanya

Agad kong kinuha ko yung I.D ni Tita na nasa may study table ko. Napatingin ako dun sa I.D nya, mukhang dalagang dalaga palang aya dito. Tapos, sobrang ganda nya don.

"Anishia Walter."

"Tita? Kamukha mo ba si Mama?" Tanong ko kay Tita.

"Oo, medjo may hawig kami." Sabi ni Tita sakin sabay kuha ng I.D nya na hawak hawak ko.

"May picture po ba kayo ni Mama? Gusto ko pong makita ang mukha nya. Bakit ba hanggang ngayon di nya pa ako binabalikan?"

Tiningnan ako ni Tita na may pagkadismaya. Halata sa aura nya na naaawa sya sakin dahil sa bagay na hinihingi ko. Gusto ko lang naman malaman ang mga bagay na yun. Gusto ko lang naman makilala si Mama.

"Wala akong kahit na isang litrato nya. Ayaw nya sa mga camera." Sabi ni Tita.

"Bakit nya po ako iniwan?" mangiyak ngiyak kong tanong kay Tita.

"Hinahanap nya ang Papa mo."

Napatigil ako dahil sa mga salitang sinabi ni Tita sakin. Ang tagal nang umalis ni Mama? Ang tagal na nyang wala, nakita na kaya nya si Papa? Magkasama na kaya sila? O baka naman ginawa lang ni Mama na dahilan yun para talaga maiwan at maabandona na nya ako.

"Tita sa tingin mo po, Magkasama na kaya sila?" tanong ko kay tita.

"Sabi ng Mama mo, hahanapin ka nya kapag magkasama na sila ng Papa mo. So, baka hindi pa ulit sila nagkikita." pero ang tagal na nyang umalis..

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga sinabi ni Tita. Agad na umalis sa harapan ko si Tita Anishia nang makuha na nya ang pakay nya.

Kahit itsura ni Mama, hindi ko alam.

"Kahit nga man lang picture nya, wala akong makita." Bulong ko.

Nakakatampo naman si Mama. Baka hindi na nya talaga ako mahal kaya iniwan nya ako kay Tita. Wala man lang syang puso para isipin at alalahanin ang napaka ganda nyang anak.

[Rain pangit is calling...]

"Ano namang trip nito at napatawag sya?" Bulong ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa may kama dahil timatawag pala si Rain. Hindi naman 'to tatawag ng basta basta at walang kailangan e.

["Huy, Inah bingot!"] Sigaw nya sakin mula sa kabilang linya.

Makasigaw naman to, akala mo sampung taon kaming di nagkita.

["Bakit ka ba kasi napatawag?"] iritarong tanong ko dito.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now