Chapter 24

101 27 0
                                    

A weak Rock Montefierro

Inah's POV

Nandito ako sa kwarto ni Rock at binabantayan ko sya. Mahimbing syang natutulog dito sa kama nya. Dito nalang rin ako matutulog, late na at around 2 am na siguro. Dahan-dahan akong lumapit sa may tabi nya at dahan-dahang humiga sa tabi nya. Napatitig ako sa maputi nyang mukha at red lips nya.

"Rock.." Bulong ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.

"Share tayo sa kumot ha." Sabi ko.

Alam ko namang hindi nya ako naririnig dahil tulog sya. Hinigit ko yung kumot nya at naki-share ako. Mas lumapit pa ako sa kanya. Ang peaceful nya matulog. Pero kanina, nakakatakot sya. Yung galit nya kanina, parang hindi mapipigilan ng kahit na sino, yung way ng pagpatay nya ayoko na ulit makita yun. Yung ayaw kong ugali nya, bumabalik na naman. Matagal nga bago ko sya napatawad dahil doon sa nangyari sa fieldtrip tapos eto, may bago na naman. Alam kong nahihirapan na sya sa sitwasyon nya kaya naman tutulungan ko nalang sya. Hindi ko alam kung pano ako makakatulong sa kanya.

Dahan-dahan namang tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Kanina noong niyakap ako ni Rock at nagsumbong sya sakin na parang bata na hindi na nya makontrol ang sarili nya, para akong nanlumo. Para akong nadurog, yun ang pangawalang beses na nakita ko syang ganoong kahina. Para akong mawawala sa katinuan kapag naaalala ko yung boses nya habang sinasabi nya sakin yung "I-Inah.. help me.. i can't control myself anymore," saka yung sinabi nya saking "P-Please, don't be afraid at me. I'm not a monster, I-Inah." Kaagad kong tinakpan ang bibig ko para hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay.

Nag-aalala ako para sa kanya. Palagi nya nalang akong iniintindi, at kahit natatakot na sya at hindi na nya makontrol ang sarili nya, ipinagtatanggol nya parin ako. Sino ba naman ako para ituring nya ng ganito? Sino ba naman ako para magalit sa kanya kasi pumapatay sya? Sino ba naman ako para sisihin sya dahil naghihirap ako pero mas naghihirap pala sya! Sino ka nga ba naman Inah para husgahan mo ang isang lalaking nagmamalasakit lang para sayo pero minamasama mo pa?!

"R-Rock.. Pwede mo namang sabihin sakin kung may problema ka.." Bulong ko.

Nagulat ako nang biglang may yumakap sakin. Rinig ko ang mahinang paghikbi ni Rock at naramdaman ko na tumutulo ang luha nya papunta sakin.

"Don't blame yourself." Bulong nya.

Dahil sa boses nya, dahil sa boses nya.. mas lalo akong napahagulgol at kaagad na yumakap sa kanya. Hinaplos naman nya ang buhok ko. Napasubsob ako sa dibdib nya, parang may kung anong dahilan at nanikip ang dibdib ko, mas lalo pa akong humagulgol dahil ramdam na ramdam ko ang yakap nya sakin.

Maya-maya pa ay kumalma narin ako pero hindi ako kumalas sa yakap nya bagkus ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayapus ko sa kanya.

"G-Go to sleep now.." Basag ang tinig ni Rock.

"Ayoko pa.." Bulong ko.

"Inah.. rest now." Dagdag nya pa.

"Ano munang problema?" Tanong ko.

"Nothing." Bulong nya habang hina-haplos haplos ang buhok ko.

Tumingala ako para makita ang mukha nya. Mugto parin ang mga mata ni Rock at red narin ang ilong nya. Pareho na kaming mugto ang mata dahil sa kakaiyak namin.

"I-Inah, i'm so weak." Bulong nya sakin.

"Hindi. Ang tapang mo kaya." Sabi ko at ngumiti. "Palagi mo akong ipinagtatanggol, inililigtas, pinapasaya, sinasamahan, inaalagaan, palagi kang nandyan." Garalgal na ang boses ko.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now