Chapter 33

110 21 9
                                    

Sweet

Inah's POV

Lahat kami ay salo-salo sa boddle fight na inihanda nina Gio at Trev. May menudo, afritada, mga alimasag, karne, isdang lapu-lapu, tuna, may pusit rin at saka may mga desserts rin sa gilid. Nandyan ang halo-halo.

Ack! Favourite ko na ata ang alimasag!

"Inah, hinay-hinay." Rock said while pointing me.

"Hinay-hinay naman ako ah!" Depensa ko dahil pinagmumukha nya akong matakaw.

"True ate Inah, takaw mo." Trev said while pointing at me too.

Yan na naman sila, pinagkakaisahan na naman nila ako. Yan lang naman ang ayaw ko sa kanila, 'yang mga pag-aasar, kalokohan, at mga kagaguhan nila. Minsan talaga mapapaisip nalang ako na mas utak talangka pa sila sa mga politikong puro pagpapayaman lang sa sariling bulsa ang alam. Nagulat ako ng masamid ako at kaagad na nabulunan, inabutan naman ako kaagad ni Rock ng tubig at kaagad kong ininom yun. Pagkatapos naming kumain ay umupo muna kami sa upuan dito sa cottage para magpatunaw ng pagkain.

"Hey, are you okay?" Matawa-tawang tanong ni Rock pero halata parin na nag-aalala sya.

"Oo, medyo." Sagot ko.

Parang nanlalamig ang kamay ko at hindi ko maintindihan ang pakiramdam sa tiyan ko. Napatingin sakin sina Tita Rita, Gio, at si Tita Anishia. Kaagad na lumapit sakin si Tita Anishia at hinawakan ang thumb finger ko at ang buong kamay ko.

"Gusto mo nabang mamatay ha?!" Inis na sigaw nya sa akin.

"Syempre, ayoko pa." Depensa ko.

"Tatanga-tanga ka talaga! Na-impatcho ka sa katakawan mo!" Sermon nya sakin kasabay non ang pagpikit ko sa sakit.

"Ilang alimasag ba ang nilamon mo?! Alam mo bang nakakasama ang masyadong pagkain ng alimasag kasi ma-cholesterol iyon. Mahi-high blood ka sa kabuangan mo!" Dagdag pa ni Tita Anishia.

"Ano.. anim na alimasag lang naman ang kinain ko.." sagot ko.

"Putangina talaga!" Singasing nya.

Napatingin naman ako sa kanya, may hawak syang karayom kaya naman nanlaki ang mata ko. Putragis! Saan nya naman gagamitin yan?

"Tita! Ano ka ba naman! Bakit ka may ganyan?" Tarantang saad ko sa kanya.

"Tutusukin ko lang ang thumb finger mo. Huwag kang malikot." Saad nya sa akin.

"Eh paano naman makakatulong yan?" Singhal ko kay Tita.

"Basta, ito ay itinuro pa sakin nang aking lola. Huwang kang malikot, punyeta sa katangahan." Saad ni Tita sakin

"Baka masakit yan—Ah! Aray ko, inay ko!" Sigaw ko.

Binigla nya ang pagtusok ng karayom sa thumb finger ko. Binitawan nya narin ako saka nya ako binigyan ng tubig at uminom raw muna ako. Nilapitan naman ako ni Rock na matawa-tawa ang itsura ko sa akin. Inirapan ko sya dahil alam kong puro katangahan lang naman ang paiiralin nya.

"Inah, don't eat too much kasi, look what happened to you." He said while laughing at me.

Ulul!

"Kakain ako hanggang gusto ko at wala ka roon pakielam." Sabi ko at napairap sa hangin.

Lumipas ang tatlongpung minuto at naka-upo lang ako dito sa cottage habang sinamahan naman ako ni Rock dito. Sina Gio, Trev, Tita Rita, si Tita Anishia, maging si Tito Khean ay nag-eenjoy na sa kulay asul na tubig sa beach doon. Tapos ako, nakaupo lang rito at hinihintay kong mawala na ang impatcho ko. May pinainom rin na gamot si Rock sakin para umayos ang pakiramdam ko, hindi narin naman ganoon kalala ang pakiramdam ko, gusto ko nang magswimming!

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now