CHAPTER 2MIKKI’S POV
Dahil nga hiniram ako nila Akiko at Candy ngayon araw na to eh kasabay ko silang uuwi.
“Mikki, sama ka muna sa bahay. May bibigay ako sayo.” Pag aaya ni Candy.
“eh dadaan sana ako sa resto para tumulong kay Mama?”
“sandali lang naman eh.” Gatong pa ni Akiko sa pinsan niya. Iisang bahay lang kase tinutuluyan nila. Ang bahay nila Candy.
May magagawa pa ba ako? Diba wala?
Hay!
“oo na po.” Sabi ko. Talo naman ako eh.
“YEY!” at muli ay dinamba na naman nila ako.
Waaaaaa! Mama. Papatayin nila ako. T_T
Nang makaget over sila sa kasiyahan ay pinasakay na nila ako sa sasakyan nila. Si Akiko ang nagmamaneho dahil hindi pa masyadong sanay si Candy.
Nagdrive si Akiko hanggang sa bahay nila ni Candy at napakabilis! BYAHENG LANGIT!
“sabi ko sayo Mikki mabilis lang eh. Hahaha!” ^__^V
“oo na. Papatayin mo ko sa kaba.” Lulugo lugo akong bumaba ng kotse dahil sa panlalambot ng tuhod ko.
“MIKKIIIIIIIIIIIII!”
At muli ay may dumamba na naman saking dalawang babae. Ang mommy ni Candy at mommy ni Akiko. Kambal sila kaya sobrang magkakasundo sila.
Mama! Hanggang kailan ba ako dadambahin ng mga tao?
“a-aah! Teka lang po. Na-nasasakal ako.” – ako.
“ay sorry! Namiss ka kase namin. Di ka kase sumama samin magbakasyon sa UK.” Sabi ng mommy ni Candy.
Kung sana lang sa kabilang kanto lang yung UK edi sana sumama ako. Kaso, HINDI!
“tita, mabuti po sana kung malapit lang eh kaso po......”
Bago pa matapos ang statement ko ay pinutol na ng mommy ni Akiko.
“basta! Next na magbabakasyon kami, kasama ka na, ang mama mo at si Russel. Oooooops! Bawal tumanggi. Okay?”
Eh san ba magmamana yung magpinsan? Tss! Di naman ako mananalo sa kanila eh.
“okay po.” Sabi ko nalang as a sign of defeat.
“YEY!” sabay na pagtili ng mga nanay ng mga kaibigan ko.
Dadambahin na naman sana nila ako pero nakatakbo na ako.
Hooooo! Grabe ang hahyper nila. -.-
Umakyat kami sa kwarto ni Candy at dun niya ibinigay ang MGA pasalubong niya.
NAPAKA DAMI!! Isama pa yung galing kay Akiko. Pati narin yung galing sa parents nila para sakin at kay Mama at Russel.
PAANO AKO UUWI? T_T
***
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mama at Russel.Inihatid lang kase ako ni Akiko kase may pupuntahan daw siya kaya di na siya nakababa pa.
“anak, san galing yan?” tanong ni Mama habang tinutulugan ako magbitbit.
“kanino pa po ba?”
“bat naman ang dami nito?”
“Ma, hindi ko rin po alam. Napapagod na ako Ma. Wag na muna matanong.”
“hehe! Sorry na anak.”
“ate Mik! Bakit para kang ginahasa?” -Russel
>.<
Batang to!
“wala ka na dun. Lahat ng paper bags na may pangalan mo sayo yun. Ganun din po sayo Ma.” Sabi ko at deretso sa kwarto.
Nakakapagod ang araw na to. Para akong na gang rape sa ginawa ng pamilyang yun sakin.
Pero nagpapasalamat ako sa pagmamahal na binibigay nila sakin at sa pamilya ko. Kahit di nila kami kaano-ano ay parang kapamilya na din ang turing nila samin.

BINABASA MO ANG
ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGIT
FanfictionUnconsciously falling in love with your instant contract girlfriend/ boyfriend.