CHAPTER 13

267 10 0
                                    

CHAPTER 13

MIKKI'S POV

ANOTHER ONE AND A HALF MONTH PASSED......

Weeepeeeeeee! Dalawang lingo nalang tapos na ang kontrata! Nakaka more than 2 months na ako. Tapos na ang pagpapanggap. Yahooooooooooo! Im so excited!! Hahaha

Matapos ang unang buwan naming pagpapanggap last month na halatang pure na pagpapanggap lang. Ang sumunod na isat kalahating buwan ay naging iba ang takbo. Ibang iba talaga.

Pano kase si Miko masyado sweet at concern. Lagi nalang akong inaalala. Napakabantay sarado akala mo tunay niya akong girlfriend.

Grabe siya magprotekta. Minsan halos makalimutan ko ng nagpapanggap nga lang pala kami.

Lagi niya akong tinatawagan. Laging may pag aalala sa mukha niya kapag sinusumpong ako ng ulcer ko.

Tapos yung feeling pa ng pag di niya ako nakakakamusta eh parang miss na miss ko siya? Tapos nababadtrip ako sa kanya pag pumapalya siya ng isang araw.

Hayst! Di ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Sabi nga ni Akiko at Candy mukha na daw kami talagang magboyfriend ng seryoso. Nagbago daw kase bigla yung pakikitungo niya sakin at pakikitungo ko sa kanya.

Hindi na rin kase kami madalas na magtalo. Tapos kung nagtatalo man kami. Kasalanan ko man o hindi siya parin yung nakikipag ayos.

Pero pinipilit kong paniwalain ang sarili ko. Na sana.... sana hindi totoo ang sinabi ng mga kaibigan kong "mahal ko na siya, di lang ako aware." Dahil sa bandang huli ako lang rin ang talo pag nanyari yun.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan.

- Miko calling..............

Yeah! Binago ko na pangalan niya sa contacts ko. Di ko rin alam bakit ko pinalitan eh.

"bakit?" sagot ko. Hindi kase ako mahilig maghello eh.

(nagising ba kita?) - miko

"hindi naman. Kanina pa ako gising bakit?"

(namiss lang kita bigla.) eto na naman siya.

Agad na nag init ang pisngi ko.

"tssss. Pa-padali mo." Nauutal ako? Letse ano nangyayari sakin?

(punta ako dyan pwede?)

Ano na namang trip nito?

"a-anong gagawin mo di-dito?" argh! Bat ang hirap magsalita.

(gusto ko lang na magkwento. Ikaw lang naman kase nakikinig sa mga kwento ko e. Sige na. Punta ako dyan sa inyo tapos alis tayo. Maghanda ka na huh?)

Ako lang ba to o talagang ang lambing na naman niya ngayon?

Waaaaaa. Miko naman please wag mo ng guluhin ang sistema ko.

"okay!" yun nalang ang naisagot ko tapos binaba na niya.

Habang nag aayos ako biglang nagflashback yun kwento niya dati.

Flashback......

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon