CHAPTER 6

292 14 1
                                    

       

CHAPTER 6

 

 

MIKKI’S POV

Ilang lingo ko ng nakikitang namomroblema si Mama pero di niya parin ako sinasabihan tungkol dun. Nag aalala na ako.  Namamayat na siya kakaisip.

Pauwi na ako ngayon para samahan si Russel. Sabi kase ni Mama pag uwian na ako, umuwi ako deretso sa bahay at wag na pumunta sa resto dahil kawawa daw si Russel walang kasama sa bahay.

Maaga ako ngayon kase wala yung last subject namin. Di ko kasabay ang makukulit kong kaibigan dahil may practice sila. Volleyball player si Akiko at si Candy naman cheer leader.

Marunong din ako magvolleyball pero di ako sumali. Wala akong oras sa practice dahil student assistant nga ako.

Wala pang estudyante ang nakakalat sa buong school grounds dahil may klase pa. Ang tahimik! Sarap sa tenga.

“HON!”

May biglang sumigaw. Kaya napatingin ako.

Si cassanovang demonyo. Sinong tinatawag nitong hon? May kausap siyang matanda at nakatingin sila sakin.

ako?” sabi ko sabay turo sa sarili ko.

Lumapit sakin si demonyo hinila ako palapit sa matanda.

Anak ng pitong kuba bat ba ako hinihila nito?

Paglapit namin sa matanda.

“ang ganda niya iho. Sana naman ay talagang seryoso kana ngayon.” Sabi ng matanda.

“oo naman po lola.^__^” demonyo na sinungaling talaga.

LOLA? Abat! Anong seryoso?

Umakbay siya sakin at hinalikan ang noo ko.

 

Nakakadalawa na ang demonyong to ah! Makakapatay na ako.

“oh sige! Aalis na ako apo. Alagaan mo ang girlfriend mo. Mag iingat kayo.” – Lola

 

“sige po. Ingat po. ^__^” –demonyo.

Pagkalayo ng matanda ay bigla ko siyang hinawakan sa braso at pinilipit ito.

“AAAARAAAAAAAAAAAAAAY!! Bitawan mo ako. Aray! Masakit! Ah. Aw! Oy! Awww!” - sigaw nito.

 

“anong girlfriend yun ha?” mataray kong tanong.

 

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon