CHAPTER 3
MIKKI’S POV
Lumipas ang mga araw na parati kaming magkakasama ng mga kaibigan ko.
Malamang sila lang naman ang totoong kaibigan ko dito eh.
8:30 na ako dumating sa school. Nagtataka kayo bakit no? Kase po nabago na. MWF nalang daw ang duty ko sa staff office due to public demand. De joke lang. Kase po busy ang sched ko. Hahaha. Graduating ho eh.
Napansin kong nagtatakbuhan ang mga tao papunta sa quadrangle.
Hmmm? Ano meron?
Kesa mag mukha akong timang sa kakaisip dito edi makiusyoso nalang. Diba? Ahahaha
Nakarating ako sa quad at ang daming tao. Anong meron??
Tapos may isang gwapong nilalang ang nasa stage na nakaupo at kinakantahan ng isang cute na cute na babae.
Ang gondo niya! ^__^
HOY! Hindi ako tomboy ha!
Maganda lang talaga yung girl.
Eh bakit niya hinaharana yun lalaki? Baliktad na?
Tsss. None of my business. -.-
Tatalikod na sana ako pagkatapos kumanta nung babae ng maghiyawan ang mga tao.
Pagtingin ko.......
O_O
Hutahena!
Hinahalikan nung lalaki yung babae na akala mo walang nakakakita at wala ng bukas.
Psh! Ireklamo ko kaya sila?
Aish!
Hell i care about them.
Umalis na ako sa kaguluhang nagaganap sa quad.
Seryoso akong naglalakad ng makasalubong ko ang isang babaeng umiiyak habang kinucomfort ng kasama niya.
‘tama na sheena. Alam mo namang Casanova ang isang yun eh. Kalimutan mo na lang siya. Di minamahal ang tulad niya.’ Sabi nung babae sa umiiyak.
‘eh mahal ko nga siya. Akala ko seryoso siya sakin. Mahal ko siya ang sakit sakit.’ – umiiyak.
BINABASA MO ANG
ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGIT
FanficUnconsciously falling in love with your instant contract girlfriend/ boyfriend.