CHAPTER 21 : Ysabelle is back

272 9 1
                                    

CHAPTER 21 : Ysabelle is Back

MIKKI'S POV

"Anong problema?" tanong agad sakin ng kararating lang na si Miko.

"Wala po. Inom tayo?" nagulat sya ng bigla kong sinabi yon sa kanya.

"Bakit? Anong problema? Hindi ko maipinta ang mukha mo e." Seryoso at nag aalala nyang tanong ulit.

"Hindi mo talaga maipipinta ang mukha ko, Miko. You can't draw. Haha!" pang aasar ko sa kanya. Bigla syang nagsmirk sakin.

"Yun ang akala mo. Marami kapang hindi alam sakin, Babe. Hindi lang sa gwapo ako kaya ako habulin ng babae. May iba pang dahilan." Mayabang nyang sabi at nagwink pa.

"Ano yon? Sabihin mo sakin!"

"It's for you to find out." Hinalikan nya ako sa noo at hinila ako paalis sa kinauupuan namin.

"Saan tayo pupunta?"

"Pasyal lang. Alam ko may mabigat dyan sa loob mo. Let me help you to lessen your loads." Ngiti nya sakin. Wala pa nga kaming ginagawa nale-lessen na eh. hay! Thank you, Lord! Thank you po sa pagbibigay sakin ng Miko.

Nakarating kami sa Mall. Hawak-hawak nya lang ang kamay ko. matagal na rin pala noong huli akong mapunta dito. At first time naming magmall na magkasama.

"Arcade tayo?" tanong nya sakin. "Sige! Miss ko na mag –arcade!" excited kong pagpayag.

Pumasok kami ng Playhouse. Bumili sya ng sandamakmak na tokens. Nag-iisip pa ako ng lalaruin namin, nang bigla nya akong hinigit papunta sa Dance Mania.

Hindi ko alam kung anong trip nya pero kinakabahan ako. baka kasi pasayawin nya ako. masyadong maraming tao dito. nakakahiyang sumayaw!

Naghulog na sya ng mga tokens. Tapos namili na sya ng sasayawin. Nagulat nalang ako ng pinili nya iyong kanta ni G-Dragon. Heartbreaker. "You better keep your eyes on me, Babe!" ngiti nya sakin.

Habang inaantay nya magsimula, dumami ang manonood na pumapalibot sa kanya. Hindi lang mata ko ang nasa kanya. Pati narin ang maraming babaeng nandito na nakatingin sa kanya at pinagpapantasyahan na sya kahit di pa nagsisimula.

Nang magsimula sya ay nalaglag ang panga ko. oh. My. God! Boyfriend ko ba talaga to? Bakit parang hindi ko nga sya talaga kilala! I never knew he could dance!

Titig na titig lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Mas lalo syang gumagwapo habang nagsasayaw sya. Parang sanay na sanay sya sa pagsasayaw nya. Hindi man lang sya nahihirapan. At halos lahat ng Makita mo sa screen ay ito lang 'Perfect'.

Habang seryoso ko syang pinapanood nakakarinig ako ng mga tili ng mga babaeng nakapaligid.

'Gosh! Wala talagang tatalo kay Miko.'

'Taga Radeon U sya diba? Kilalang kilala din sya sa school namin, ang galing nya pala talaga sumayaw!'

'Kyaaaaah~! Miko akin ka nalang!'

'No wonder, sya ang dance machine sa College of Multi-Arts sa school. Ang galing naman nya talaga eh! ang gwapo pa! Omg!'

Ganyan yung mga naririnig ko. bigla ako nakaramdam ng lungkot. Wala akong kwentang girlfriend. Sila, alam na alam nila ang mga bagay na tungkol sa kanya habang ako wala. Bukod sa pagiging playboy nya noon wala na akong alam.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Di mo ba nagustuhan yung sayaw ko?" nag-alala nyang tanong pagkatapos na pagkatapos nyang makakuha ng perfect score.

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon