CHAPTER 9

220 11 0
                                    

CHAPTER 9

 

 

MIKO’S POV

Aaaaaaw! Ang sakit ng ulo ko. Letse napadami ata inom ko kagabi.

Tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko.

 

“5am?” aaaah! Ang sakit talaga ng ulo ko. Ang aga ko naman masyado magising.

Tiningnan ko ang buong sulok ng kwarto ko.

Napabalikwas ako ng bangon.

Shit! Aww! Nahihilo ako.

Nasaan ba si Mikki? Saan yun natulog? Naaalala ko tinawag ko siyang mommy.

Kahit na masakit ang ulo ko ay lumabas ako ng kwarto. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa couch sa sala. Nakabaluktot.

Adik talaga nito. Hindi kumuha ng kumot dun sa cabinet ko. Babaeng to. Shunga talaga minsan. Ang talinong tao pero nakakuha parin ng kashungaan.

Bumalik ako ng kwarto at kumuha ng kumot tsaka ko siya kinumutan. Baka kase magising pag binuhat ko. Masyado pang maaga.  Mukhang napuyat siya sakin. Kawawa naman.

Bumalik ako ulit ng kwarto tapos naligo para mawala ang sakit ng ulo ko.

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ulit ng kwarto at tiningnan kung gising na siya. Pero tulog parin.

Kaya naisipan ko ng mag luto ng breakfast namin tsaka ko siya gigisingin.

7am. Ready na ang pagkain pero pagbalik ko kay Mikki.

Waaaa! Tulog parin! Ano ba tong babaeng to. Di nahihirapan ng baluktot matulog?

Lumuhod ako at tinitigan ang mukha niya.

Tama si Ralph. Ang ganda niya. Napakasimple niya lang. Walang make up pero ang ganda niya parin.

Ang kinis at ang pinkish ng mukha niya na akala mo nahihiya ang mga pimples na tumubo doon isama na ang mga white at black heads.

Ang mahaba niyang eye lashes, ang cute na cute niyang ilong. At ang mapupulang labi niya.

Parang ang sarap halikan.

Akala ko nakatingin lang ako sa kanya pero hindi ko namalayang lumalapit na ang  mukha ko sa mukha niya.

*yawn*

*pak*

Ayy! Pusang gala!

Yung ilong ko!

 

“hmmmm?” tanging nasabi niya ng maimulat niya ang kanyang mata.

“oh!? Anong ginagawa mo dyan?” tanong ni Mikki.

“wala, hahal--- gigisingin na sana kita kaso nasapak mo ko.” Sabi ko.

Bigla siyang bumangon at deretsong umupo sa couch.

 

“ay sorry! Di ko alam eh. Tulog ako diba? Patingin nga.”

Sabay hila niya sa mukha ko.

“san masakit?” sabi niya pa.

Napatitig nalang ako sa mata niya. Ganun din siya.

*pak*

“aaaaaw!” angal ko.

Paluin ba naman ako sa noo. Ang sadista talaga.

“may lamok.” Sabi niya sabay tayo.

Tama ba ang nakikita ko? Namumula siya?

Deretso siya sa sink at naghilamos.

Dahil alam kong wala siyang ipampupunas kaya ikinuha ko na siya ng towel sa cabinet ko.

Nagulat siya ng isampay ko yun sa ulo niya.

“salamat.” Sabi niya habang nagpupunas ng mukha.

 

“kain na tayo. Gutom na ako.” Seryoso kong sabi.

Hindi ko alam pero naiinis ako nung di ko siya nahalikan.

Naabnoy na naman ako. Nakakahawa din isang to.

Tahimik lang kaming kumain at pagkatapos ay nagpresintang siyang maghugas at ihahatid ko na daw siya.

After niyang magligpit ay inihatid ko na nga siya pauwi sa kanila.

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon