CHAPTER 11
MIKO'S POV
Nung Makita ko siyang umiiyak at namimilipit sa sakit.
Di ko alam pero biglang may bumundol sa puso ko at bigla akong nag alala.
Kaya nung napaupo na siya sa sobrang sakit ay agad ko siyang binuhat.
Umaangal pa sana kaso wala na siyang lakas kaya wala na rin siyang nagawa.
Malapit na sana kami sa clinic ng bigla siyang nawalan ng malay.
Kaya yung dahan dahan kong paglakad ay naging patakbo dahil natatakot ako.
Baka mamatay eh. Sa mga bisig ko pa. Waaaaaaag! Natatakot ako.
Baka paramdaman niya ako eh. Hahahaha!
De joke lang. Syempre kahit papaano eh concern na ako sa kanya. Di ko rin kase akalaing weak din ang isang to. Titigas tigas eh weak din pala.
Dumating kami ng clinic na wala siyang malay.
Sinabi namin dun sa nurse na umaatake ang ulcer niya. At dahil wala siyang malay ay tinurukan nalang siya ng gamut para daw mawala ang sakit.
Inadvice din samin na kailangan pagkagising niya ay makakain na siya.
Kaya naman ako na ang nagpresintang bumili ng food niya.
Pagbalik ko ng clinic matapos bumili ng food ni Mikki ay nakiusap yung magpinsan na bantayan ko siya muna dahil may klase na sila.
At dahil mabuti akong tao, pumayag ako. Mabait ako diba? Hahaha!
Quarter to 3pm na ngayon. Antagal gumising!!!!!
Bigla siyang gumalaw.
Tiningnan ko lang siya.
"anong ginagawa mo dito? Asan ako?" tanong niya.
Ayos talaga tong isang to. Ano daw ginagawa ko dito. Sasaktan ko to eh.
Aysh! Ba yan! Nagiging sadista na din ata ako.
"nakatambay. Nakita kitang tulog eh." Sarcastic kong sabi.
Di ba obvious na binabantayan ko siya?
"tsss. Ewan ko sayo. Wala akong lakas para makipaglokohan. Alis na." - siya.
Graaaaaaaaaabe! Walang puso! Walang utang na loob!! Ang sama! >__<
"grabe ka huh? Binantayan na nga kita, ganyan ka pa sakin? Walang utang na loob." - ako.
Pagkasabi ko nun bigla siyang namula. Hindi ko alam kung bakit. Pero I find it cute pag namumula siya.
"okay ka lang? May lagnat ka ba? Bat ang pula mo?" - ako ulit.
Nag iwas siya ng tingin. Ano bang problema nito?
"uuwi na ako." Sabi niya sabay bangon.
"sabi ni nurse kanina. Pag nagising ka na daw eh pakainin ka daw agad. Kaya eto. Binili kita kanina ng pagkain. Kain ka muna." - ako. Habang hinahanda yung pagkain niya.
"a-ayoko. Uuwi nalang ako." - siya.
Ano bang problema nito? Hahahaha. Muntimang! Namumula.
"hindi pwede. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo. Oh! Say ah!!" sabi ko habang hinahayang ang isang subo sa kanya.
"eh a------" - siya.
Di na niya natuloy dahil sinubo ko agad sa kanya. Hahaha! Kala titigilan ko siya.
Nakasimangot siyang inubos yung pagkaing nasa bibig niya.
Di na lang siya umimik sa sobrang asar sakin at inagaw ang pagakin kase ayaw niyang pasubo.
Hanggang sa natapos siya ay di niya ako kinausap.
Bumaba na siya sa kama at kinuha ang bag niya pero di padin ako kinakausap.
Problema na naman?
Paalis na siya ng hilahin ko siya sa braso.
"anong problema mo?" - ako.
Pero imbis na sagutin ako ay hinila niya ng marahas ang braso niya at tuloy na lumabas ng clinic. Pero sumunod ako sa kanya.
"ano ba kaseng problema mo? Bat di mo ko kinakausap?" - ako.
"wala ka na dun." Matipid niya sagot.
Grabe naman to. >.<
"AAAAAAHHH! IBABA MO AKO MIKO! IBABA MO AKO KUPAL KA! IBABA MO AKO." - sigaw niya yun habang pinaghahahampas ako sa likod.
Binuhat ko kase siya eh. Ang sakit ah!
Di ko na siya sinagot at deretso nalang sa paglalakad kahit masakit na sa likod ko ang ginagawa niya.
Tumigil din siya pagkaraan ng ilang minuto.
"miko ibaba *sniff* mo na ako. Please! Yung *sniff* tyan ko naiipit." - siya.
Hala! Ang bolbi ko naman. Masakit nga pala tyan niya. Napaiyak ko pa tuloy siya. Aysh!
Madali ko siyang ibinaba.
Pakshit lang. Umiiyak nga siya.
"so- sorry na Mikki. Nakalimutan ko eh. I- ikaw kase ayaw mo ako kausapin ng ayos." - ako.
Di siya sumagot at nakayuko lang habang umiiyak.
"tara na. Ihahatid na kita huh?" - ako.
Tumango nalang siya kaya hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami papuntang parking lot.
BINABASA MO ANG
ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGIT
FanficUnconsciously falling in love with your instant contract girlfriend/ boyfriend.