CHAPTER 15
MIKKI'S POV
Aish!
Arrrrrgh!
Nakakainis!
Nakakainis!
>.<
Tinatanong niyo ba kung bakit ako naiinis?
Eh pano si Miko. Tsssk! Nakakainis talaga.
Ang weirdo niya kase eh.
Matapos yun pag uusap naming dalawa dun sa park aba eto ngayon at nakapa sweet.
Hindi niya ba alam na nahihirapan na akong magpigil?
Kung ganito siya ng ganito baka isang araw pakiusapan ko siyang ako nalang yung mahalin niya.
Pero ayoko! Ayokong manyari yun. Kase..
Kase...
Minsan ko ng kinain yung salita ko na hinding hindi ako magkakagusto sa kanya.
Wala na eh. Kinain ko din pabalik eh. Tssk!
Kaya ang magmakaawang ako ang mahalin niya. Oh please! Wag niyo na pong ipagawa yun sakin.
Kahihiyan iyon ng lahi ng mga Eva!
Ayokong maitakwil ni mama Eve.!
Napapitlag ako sa pagkakahiga sa kama ko ng biglang magring ang phone kong nakapatong lang naman sa dibdib ko.
Nakavibrate eh! >.<
*riiiiiiiiiiiiiing
- Miko calling.......
Anong problema ng lalaking to?
Pero by the thought na tumatawag siya ngayon eh napapangiti na ako.
"oh?" bungad ko.
(miss na kita.) Miko in his super lambing voice!
Pusang gala! Eto na naman po siya!
Nakagat ko nalang yung pang ibaba kong labi.
(hoy! Andyan ka pa?) - Miko ulit.
oo. kinikilig lang. Maghintay ka! Pero di ko nasabi hahaha.
"oo! Ano na namang nakain mo?" tanong ko. Baka kase may masamang nakain lang to.
(wala. Kailangan bang may makain ako bago kita mamiss? Mukhang di ko na ata kailangan kumain nun kase kahit wala nun lagi kitang namimiss.)
>///////////////////<
UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! LECHE KA MIKO! LECHE KA! BAKIT MO GINAGAWA SAKIN TO. PESTE! WAAAAAAA. KINIKILIG AKO! MAMAMATAY ATA AKO SA KILIG. UTANG NA LOOB AT LABAS! TIGILAN MO!!!
"ULUL!" sagot ko nalang para maitago ang kilig ko.
(grabe! Di mo ba ako namimiss?) ngayon naman malungkot na boses.
Miko! Tama na please? Lalo akong nahuhulog! Mali na to. Please!!!
Pero si inlababo ayun natanga na naman.
"na na-miss din." uwaaaaah. Nakakahiya ka Mikki. Baka makahalata na siya sayo.
Tsssk! Alam kong isa lang to sa mga kalokohan niya. Pinagttripan lang niya ako pero tong malandi kong puso bumigay na.hay! traydor! -.-

BINABASA MO ANG
ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGIT
FanfictionUnconsciously falling in love with your instant contract girlfriend/ boyfriend.