CHAPTER 22

336 13 3
                                    

AKIKO'S POV

"MIKKI! TAMA NA KASI!" awat ko sa kanya. She's drunk! Halos bumagsak na yung ulo nya sa bar counter pero hindi pa rin sya tumitigil.

"Babayaran... naman kita, Aki. Hayaan mo lang ako. Gusto ko... gusto ko pa uminom." Sabi nya na sinisinok sinok sa sobrang lasing.

Sinenyasan ko si Candy para bayaran na lahat.

Aantayin nalang namin syang bumulagta. Last shot na nya yun. Lalaglag din yan.

"3. 2. 1!" Sabi ni Candy.

Laglag na.

Nakatulog na nga si Mikki sa sobrang lasing.

Pinabuhat namin sya sa bouncer at ipinadala sa kotse.

Nakasakay na kami ng tumawag si Ralph.

"Where are you? Nandito na ako sa loob ng bar." Sabi nya.

Tinawagan ko sya para sana nga magpatulong kay Mikki pero na-late naman sya.

"Nasa kotse na. Ihahatid na namin sya." Sabi ko. Tho, hindi sa bahay nila. Tinawagan na namin agad si Tita na sa bahay uuwi si Mikki. Kasi magbobonding kami. Hindi na rin naman sya nagtanong dahil tiwala naman sya sa amin ni Candy.

"Okay. Ingat kayo." Sabi nya at binaba na ang tawag.

On the way na kami sa bahay ng biglang tumunog ang phone ni Mikki.

Inabot sakin ni Candy ang phone ni Mikki. Baka kasi magising pa siya kung si Candy ang kakausap.

"Mag-usap tayo. Please?" Bungad ni Miko.

"Hindi mo sya makakausap ngayon. Tulog na eh." Sabi ko nalang.

"Akiko? Nasaan sya? Magkasama kayo?" Sunod sunod na tanong nya.

"Kasama ko sya, pauwi na sa bahay namin. Naglasing sya."

"Okay... Ingat sa pagdrive. Sorry..." sabi nya lang.

Tinapos nya ang tawag.

Ipinark ko ang kotse ko sa tapat ng gate. At nagulat ako ng makita si Miko na nakasandal sa kotse nya.

Lumapit sya sa amin.

Walang imik nyang binuhat si Mikki. Habang kami naman ni Candy ay pinagbuksan sya ng gate at pinto.

Itinuro namin yung guest room na pinahanda namin para kay Mikki.

Ibababa na sya ni Miko nga magising sya.

Kitang kita namin kung paano tumulo ang luha nya. Nakatitig lamang sya kay Miko habang tahimik na pumapatak ang mga luha.

Maingat syang ibinaba ni Miko sa kama.

"Magpahinga kana. Mag uusap tayo bukas ha?" Sabi ni Miko at hinalikan sya sa noo.

"Bakit ka nandito? Alam mo bang natatakot na ako ngayon?" Bumangon si Mikki at tumingin ng deretso kay Miko.

"Saan ka natatakot?" Napaka gentle ni Miko. Siguro dahil feeling nya isang mali lang mas masasaktan nya si Mikki.

"Nanaginip ako. Iiwan mo daw ako." Humikbi si Mikki. "Natatakot... Natatakot ako na baka magkatotoo yun. Miko natatakot ako." Umiyak sya ng umiyak.

Lumabas na kami ni Candy.

She's Mikki's first love. At hindi ko sya masisisi kung ganito sya matakot ngayon.

MIKO'S POV

"Babe lasing ka lang. Huwag kanang matakot. Hindi kita iiwan. Hindi magkakatotoo ang panaginip mo. Hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya at niyakap sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon