CHAPTER 17

190 12 1
                                    

CHAPTER 17

MIKKI'S POV

Hindi pa kami ulit nagkakausap ni Miko.

Simula nung umuwi kami galing dun sa may dagat hindi na kami nagkausap pa ulit.

Gustong gusto ko siyang itext kaya lang baka asarin niya lang ako. hinihintay ko siya magtext kaso wala ata siyang balak na itext ako.

Nakakalungkot! :(

Di kami nagkikita, di pa nag uusap.

Ang sakit naman nito! Hays!

Sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko, kaso di ko naman nasabi na siya yun. Natatakot ako eh.

Haaaaaay!

Last day ng contract namin pero di parin niya ako tinitext.

Edi bahala siya! :/

Pero gusto ko siyang itext! Nakakainis.

Miko! Magtext ka na kasi! Arte mo! Ikaw na nga dahilan bakit ako nasasaktan tapos nag iinarte ka pa! Bwisit ka talagang lalaki ka!

Bakit kasi ikaw minahal ko? Nakakaasar ka talaga! Bwisit ka talaga sa buhay ko!

Nakakainis! Miss na miss ko na siya. Ano na bang pinagkakaabalahan niya? Lumalayo na ba siya kasi aaminin na niya dun sa babaeng gusto niya yung nararamdaman niya?

Edi siya na! Busit siya. Magsama sila! Tss.

"ay ang ganda! Haba ng nguso!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko ng makarinig ako nang nagsalita.

"candy? Akiko? Anong ginagawa niyo dito?"

"papagandahin ka sana namin para sa last day mo bilang girlfriend ni Miko. Kaso mukhang wala ka atang balak bumangon?" - Akiko.

"wala naman akong pupuntahan eh. Tsaka nakakatamad."

Umiling iling ang dalawa.

"na-uh! Bangon ka na dyan. May pupuntahan tayo." Sabi ni Candy.

Magtatanong pa sana ako pero hinila na nila ako at tinulak papuntang banyo.

>_<

Peste! Makatulak ah!

"grabe makatulak ah! humanda kayo paglabas ko!" sigaw ko sa loob ng banyo.

Narinig ko lang silang tumawa.

Eeeeh! Ayoko nga lumabas kasi tinatamad ako. tsaka, namimiss ko si Miko. :3

Pero dahil wala akong magawa. Naligo na ako at paglabas ko naman ng kwarto at wala yung dalawa. Buti alam nilang kailangan nilang lumabas. Magbibihis ako eh haha. Wala akong kahit anong suot. Nakatapis lang ako ng towel.

Nakabihis at nagsusuklay na ako habang nakaharap sa salamin ng biglang pumasok yung dalawa.

"ano yan? Bat ganyan suot mo?" -tanong ni Candy.

Tss. Alam niya namang ganto ako manamit.

"bakit? Di naman pambahay to ah. tara na!" sabi ko sabay tayo.

"op op op! Magbihis ka. Eto suotin mo." Sabi ni Akiko sabay hagis ng paper bag sakin.

Anong gagawin ko sa dress na to?

"Oh diba?! Ang ganda mo Mikki! Akin ka na nga lang after ng contract nyo ni Miko!" kinikilig na sabi ni Candy.

Agad ko naman syang dinamba at tinakpan ang bibig.

"Candy, wag kang maingay! Gusto mo bang malaman yan ni Mama? Adik ka ba?!" mahinang sigaw ko sa kanya.

"Ay sorry! Pero alis na dyan. Ang sakit na ng leeg ko." - Candy

Agad ko naman syang binitawan.

"Mikki, kumilos ka ngang parang babae. Naka dress ka kaya!" pagsaway naman sakin ni Akiko.

"Bakit nyo kasi ako pinagsuot ng ganito, eh alam nyo namang di ako nagsusuot ng ganito, diba?"

"Syempre kailangan presentable ka." - Candy

"Bakit saan nyo ba ako dadalhin?"

"Sa magpapasaya sayo. ^_~" Excited na sabi ni Akiko. May kindat pa.

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon