CHAPTER 14
MIKO’S POV
Bakit ganun siya? Bakit bigla siyang umiyak? May nagawa ba ako?
Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na ayaw kong makikitang umiiyak ang babaeng mahal ko.
Oo, tama ang nababasa niyo. Mahal ko si Mikki. Hindi ko alam kung kailan pa pero basta isang araw na lang ganun na yung pakiramdam ko.
Totoo pala yung sinasabi nila no?
Na pag nagmahal ka daw hindi mo kailangan ng dahilan para masabing mahal mo ang isang tao.
Kusa mo nalang pala talagang mararamdaman yun.
Pero bakit ganito ako?
Kilala ako bilang isang babaero pero anyare sakin?
Natatakot akong sabihin sa kanya.
Natotorpe ako.
Ang isang bagay na ni kailanman ay hindi nangyari sakin.
Ngayon palang! Sa kanya palang ako nagkakaganito.
Oo napakarami na ng mga naging girlfriend ko.
Pero ni isa sa kanila di ako nakaramdam ng ganito.
Kay Mikki lang na ibang iba sa mga ex ko.
Kay Mikki ko lang naramdaman to, kahit na parati niya akong binubugbog.
Sa amazonang contract girlfriend ko lang ako nakaramdam ng ganito.
Ganitong KASERYOSO!
To the point na, nangako akong hindi ko siya papaiyakin.
To the point na, nasasaktan akong makitang nasasaktan siya!
BINABASA MO ANG
ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGIT
FanficUnconsciously falling in love with your instant contract girlfriend/ boyfriend.