CHAPTER 5

262 10 0
                                    

 

CHAPTER 5

 

MIKKI’S POV

 

Hay! Maghapon akong tahimik. Wala kase talaga ako sa mood. Dahil sa lalaking yun. Peste siya!! Siya yung lalaking nakipaghalikan sa stage at marahil ang lalaking iniiyakan din nung crybaby kanina.

Pauwi na ako ngayon at inaaya ako ng mga kaibigan kong gumala.

 

“ayaw mo talaga sumama? Window shopping lang naman eh.” – candy

Asa pa! Kahit kailan hindi yan nagwindow shopping.

“di na. Dadaan pa ako sa resto.” Sabi ko naman.

“idadaan ka nalang namin dun?” – akiko.

Bat ang kukulit ng mga kaibigan ko?

“ayoko. Baka hindi niyo ako idaan.” –ako

Hinagis sakin ni Akiko ang susi ng kotse at nasalo ko naman.

“gagawin ko dito?” tanong ko.

“ipangkakamot! -.- Malamang ikaw magdrive para maniwala kang idadaan ka namin dun.” – akiko

Oh ano ako ngayon? Barado! Leche! Kung di ko lang mahal to. Nabugbog ko na. haha

Marunong akong magdrive dahil pinag aral nila akong dalawa. Sabay sabay din kaming kumuha ng lisensya namin.

Galing galing diba? Marunong magdrive at may lisensya pero walang sariling sasakyan. -.-

Great! -.-

Sumakay ako ng drivers seat at ako na nga ang nagmaneho.

Mapilit din kase. Tsaka para tipid na sa pamasahe. Wahahahaha

Ang kuripot ko na. -.-

Makalipas ang 20 mins ay itinabi ko na sa tapat ng resto ang kotse at saka ako bumaba.

 

“salamat guys ah!”

 

“wala yun. Ayaw mo pa kase sumama.”- candy

“tsaka nalang.” – ako.

“psh. Tsaka nalang? Kailan yun?” – akiko

“hahahaha. sige na. Salamat ulit. Ingats. Akiko. Dahan dahan lang ah.” – ako

“hahaha. Nagmamadali kami.” – akiko.

“sige babye Mikki!” – candy.

Pagkasabi  ni Candy nun ay mabilis na pinaharurot ni Akiko ang sasakyan.

Psh! Kaskasera talaga yun.

Pagpasok ko ng resto.

WOW! Dami kumakain ah.

“good evening ma’am Mikki.” Bati nung guard.

Ngumiti lang ako at dumiretso sa may counter.

 

“si Mama?” tanong ko dun sa assistant ni Mama.

 

“nasa office.” Matipid na sagot nito.

Dumiretso ako sa office ni Mama at nakita ko siyang namomroblema.

“Ma!” tawag ko sa kanya.

“bat di ka nagpasabing pupunta ka dito?” sabi ni Mama habang nililigpit yun mga papers sa harap niya.

Parang VIP lang! Kailangan may notice. Hahaha!

“para surprise!” sabi ko.

Pero malungkot talaga yun mukha ni Mama.

“Ma, may problema ba?” curious kong tanong.

 

“wala anak. Pagod lang ako. Tara uwi na tayo?”

Tumango nalang ako. Ayaw sabihin edi wag pilitin.

Sasabihin nya din naman yun sakin eh.

Pagkarating namin ng bahay.

Sinalubong kami ni Russel sa pinto.

 

“Mama! Ate!” sigaw nito habang patakbong lumapit samin.

Pftt! Haha. Muntik pang madapa. Loko talaga.

Nakita ko ang pagngiti ni mama.

Hays! Siguro kung wala si Russel samin ano na kaya buhay namin ni Mama?

Humalik siya sakin at ganun din ako.

Nags-school siya tapos pag kauwian yun kapitbahay na muna tumutingin sa kanya. Di kase makakuha si Mama ng yaya niya. Di na kaya sa budget.

Pasalamat nalang kami kase kahit bata palang eh marunong siya. Maingat at matured na.

Kaya kahit siya ayaw niya daw ng may yaya siya.

Kumain kami ng sabay sabay at ako ang nagligpit ng pinagkainan namin. Pagod si Mama alam ko kaya ako na ang nagpresinta.

maaga akong natulog hindi ko alam kung bakit.

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon