CHAPTER 18

259 13 1
                                    




CHAPTER 18



Miko's POV



Anak ng! Anong ginagawa namin dito? Seaside? Seriously? Nababaliw na ata tong si Ralph.



"Ralph ayos ka lang? Anong ginagawa natin dito? bakla ka na ba? Tinatalo mo na ako?" pabiro pero inis kong sabi sa kanya.



"Lul ka Miko! Ayos ng tumandang lalaki ako kesa mabakla ako sayo. Mas gwapo ako sayo, Dre!" nakangiti nya namang ganti sakin.


Ewan. Ang labo!



Bumaba ako ng kotse. Nabubugnot lang ako dun sa loob, nakaupo lang naman kami, busy sa pag tetext si Ralph. Gagong to, pa reason reason pang nalalaman. Kung iwan ko kaya sya at pumunta nalang kay Mikki? Hmmm...



"Anong iniisip mong torpe ka?" biglang sulpot nya sa tabi ko.



Gagong to! Masusuntok ko sana.



"Sira ulo ka Ralph! Bakit ka nanggugulat?!"



"hahahahaha! Relax Miko! Taina mo naman eh! tensyonado ka ba?" nang aasar nyang tanong sakin.



"Mas gago ka Ralph. Anong trip mo ha?! Dun tayo sa gym. Mag boxing tayo ng mabugbog kita!" tapos inipit ko sya sa leeg nya gamit ang braso ko.



"Bro, bitaw! Nagugusot damit ko!" reklamo nya.



Napaka-OC talaga nito. Ayaw nagugusot ang damit. Psh! Kaya siguro lagi naghuhubad? Labo talaga ng gagong to.



*Phone Ringing*



Agad syang umalpas sakin at tsaka sinagot yung tawag. Lumayo pa ang loko.



Tumingin ako sa relo ko. Alas kwatro na pala. Anong gagawin ko? ganito nalang kami matatapos ni Mikki sa kontrata? Ang pangit naman. Kahit na binabayaran ko sya sa loob ng tatlong buwan para lang maging girlfriend ko at samahan ako. kahit papano may pinagsamahan naman kami. Kahit na... may iba syang mahal. Psh!




"Bro, may pupuntahan lang ako saglit ah. iwan na kita dito. balikan kita mamaya? Mabilis lang ako." sabi ni Ralph.

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon