CHAPTER 16

333 10 0
                                    

 

 

 

CHAPTER 16

 

 

 

MIKO'S POV

Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Medyo nawiweirdohan ako ngayon kay Mikki sa totoo lang. Hindi naman kase siya dati ganito mag react eh.

Bakit ba akala niya nagbibiro lang ako? Totoo tong ginagawa ko. Hindi ko lang masabing gusto ko siya kaya dinaan ko sa ganito pero mukhang mas mahihirapan ako sa pagpaparamdam nito. Ang manhid masyado eh.

"ba-bakit ka ba ganyan ha Miko? A-anong nangyayari sayo? Wag ka nga!" — Mikki.

Kailangan pag inaya ko siya magdate may nangyayari sakin? Tss. Hahalikan ko to eh.

"walang nangyayari sakin Mikki. Okay lang ako. Kaya sige na pumasok ka na sa bahay niyo at hihintayin na lang kita dito sa labas."  Sabi ko naman sabay tulak ng bahagya sa kanya papunta sa bahay nila.

Wala na siyang nagawa kaya ayun nga naiwan nalang ako sa labas at nakasandal sa kotse ko.

Actually surprise visit lang sana to eh. Pero di ko alam, bakit nga ba ako nag aya ng date.  

Tatlong araw nalang din naman kase tapos na ang contract naming dalawa. Mamimiss ko siya. T_T

Seriously mamimiss ko si Mikki. Kase alam ko, hindi ko na pwedeng gawin yung mga gusto ko gawin kasama siya. Kase wala ng dahilan. Wala na siyang obligasyon sakin. Wala na kaming kontrata.

Hayst! Oo nga pala. Hindi pa alam ni Lola to. Hindi ko alam pano sasabihin. Gusto pa naman talaga ni Lola si Mikki.

Ewan ko ba dun kay Lola. Sa dami ng babaeng pinakilala ko sa kanya. Lahat yun mayayaman at maganda kung pumustura pero ni isa sa kanila walang nagustuhan si Lola. Si Mikki lang talaga yung nagustuhan niya.

Si Mikki na isang simpleng babae lang. Si Mikki na hindi marunong magmake up. Si Mikki na parang lalaki kumilos. Si Mikki na napaka naive. Si Mikki na sadista.

Si Mikki na nakapagpatibok ulit ng puso ko.

Si Mikki na mahal na mahal ko.

Si Mikki na nagpatorpe sa isang casanovang katulad ko.

"bat ang lalim ata ng iniisip mo?"

Napabalik ako sa katinuan sa pagsasalita ni Mikki.

Nasa harapan ko na pala siya.

I look at her.

She's so beautiful.

Napakasimple and yet ang ganda ganda niya.

Lalo akong naiinlove sa kanya.

"uhm. Di naman. Tara na!"

Tapos pinagbukas ko siya ng pinto ng kotse.

Mabilis akong lumipat sa kabila at pumasok sa driver's seat.

I will tell her.... I have to tell her about my feeling before the end of our contract.

"san tayo?" she asked.

"sa palasyo natin."

 

*BOGSH

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon