CHAPTER 1

655 14 0
                                    

MIKKI’S POV

 

“Ma, aalis na po ako!” sigaw ko kay mama na nasa kusina.

“Angela anak, di ka na naman kakain?”

 

“di na po Ma. May duty pa ako sa staff office eh.”

 

“ikaw talagang bata ka. O eto na yung lunch mo. Dinamihan ko na para naman makabawi ka. Baka sumumpong ang tiyan mo.” Tsaka iniabot ni Mama yung lunch na hinanda niya para sakin.

“salamat po Ma. Sige po male-late na po ako.”  Tsaka ako humalik sa kanang pisngi niya.

“pasensiya na anak ha? Sige mag- iingat ka.”

 

Hay! Ayan na naman po siya. Dadrama na naman.

“Mama naman! Eto na naman po tayo e.”

 

“sorry anak. Sige na pumasok ka na. mag iingat ka.” Sabi ni Mama saka ako tinulak palabas ng pinto ng bahay namin.

Tingnan mo yun si Mama. Mag uumpisa tapos tutulak ako. Makapasok na nga lang.

Ay! Di pa pala ako nagpapakilala. Hehe! Pasensiya na si Mama kase ih! Papakilala ako habang naglalakad ako papuntang school.

Ako nga pala si Angela Mikki Bautista. 4th year college taking Business Administration major in Finance management sa isang prestigious university ang Radeon University.

Oh diba? Ang yaman lang?! Psh. Pwes, hindi! Dahil mahirap lang kami. Ay hindi, kase nakakakain pa ako ng higit sa tatlong beses sa isang araw.

Hindi ako mayaman at hindi rin ako mahirap. Sakto lang. Saktong nabubuhay. Pero sa totoo lang mahirap yung buhay. Kinakaya lang namin ni Mama.

Si Mama nalang kase at ako ang magkasama. Si Papa kase namatay 4 years ago. Nasunog ang barko nila at isa siya sa mga hindi nakaligtas. Seaman kase si Papa.

Tanging yung maliit na restaurant lang ang naiwan na pinagkukunan namin ng ikakabuhay ni Mama.

Maliit lang din ang kinikita nung resto namin. Alangang malaki eh maliit nga lang. Haha! Adik ko.

Anyway, going back. Sakto lang para mapanatiling bukas ang resto at para nadin sa ikakabuhay ko at ng Mama ko.

Pero kahit mahirap lang kami, Masaya na ako. Atleast mahal ako ng Mama ko. Ay may ampon pala kami. Si Russel. Pinsan ko siya na bigla nalang iniwan ng loka-loka niyang ina sa bahay namin nung 4 years old palang siya. 8 na siya ngayon. At parang kapatid ko na rin siyang ituring. Di na binalikan nung nanay niya eh. Subukan niyang kunin at magtutuos kami. Mwahahaha!

Nababaliw na naman ako. Haha!

“MIKKIIIIIIIIIIIIIIIII!” sabay damba ng dalawang babae sa akin.

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon