CHAPTER 20

247 11 0
                                    



CHAPTER 20

MIKKI'S POV

"Babe, saan mo gusto pumunta?" tanong ni Miko.

"Bahala ka. Ikaw nagdadrive eh. kahit saan mo ko dalhin ayos lang."

Pagkasabi ko nun. Bigla syang namula. Hahahaha! Bakla na boyfriend ko.

"Miko, okay ka lang?" I said teasingly.

"O-ofcourse I'm fine." Sagot nya sakin na nag iiwas ng tingin. Haha! Cute!

"Talaga?" hahahaha! Lalo sya namumula. Ear part yung napupuruhan.

"Tigilan mo ko Mikki. Gagahasain kita."

"Sira ulo ka!"pakiramdam ko ako naman ang nainitan ang mukha. shet! Ano ba to!!!

"HAHAHAHAHA!"

"Bwisit!"

Tapos di ko na sya pinansin. Sira ulong to. Ugh!

Kung tatanungin nyo, kung kamusta kami for the past two months simula naging kami. Ito lang naman ang masasabi ko.

Noong araw after ko sya sinagot. Dapat uuwi na ako diba? Pero hindi. Hinila nalang ako basta ni Miko noon at umalis ng school na hindi ko alam ang pupuntahan.

To my surprise, dinala nya ako sa bahay ng Lola nya. At nung pagkakitang pagkakita palang nya sa Lola nya, lumuhod agad sya.

Yes, people. Lumuhod si Miko. Nashock ang Lola nya sa ginawa nya. Pero mas na shock ang Lola nya sa pinagtapat nya. Inamin na ni Miko, that our relationship for the past 3 months was fake and just a pure contract.

Nagalit ang Lola nya. Akala ko nga di na kami patatawarin. Pero nung sinabi ni Miko na girlfriend nya ako ng totoo. Biglang gustong makasigurado ng Lola nya. And our first kiss happened in front of her. She wants to see us kissing. Sapat na daw na proof yun. T_T yung first kiss ko.

After that, everything went smooth. Araw-araw kaming nagbabangayan. Pero hindi natatapos ang araw na magkagalit kami.

Nakakatuwa nga eh. kasi, knowing Miko. Alam naman nating lahat na masungit sya. Bipolar. Pero alam nyo yung nakakakilig? Kahit na alam nyang sya yung tama, sya parin yung nagsosorry. Hindi sya nagmamatigas.

Hindi ako ganun kaselosa. Medyo lang kapag nasa mood magselos. Kaya kapag may babaeng umaaligid sa kanya kahit kasama nya ako. sya ang kabado. Ako natatawa lang sa kanya. Feeling nya daw kasi, any moment hihiwalayan ko sya dahil nga may mga babaeng dumidikit sa kanya.

Eh anong magagawa ko? gwapo ang boyfriend ko? imbis magselos ako. pinagmamalaki ko pa. Hahaha! It's something I'm proud to brag about. Adik ko no? hahaha! Well yan din sabi ng mga kaibigan ko.

Pumupunta parin sya ng bar. To hang out with his friends. Pero he makes sure na magtitira sya ng pang uwi. Na hindi na nya ako papahirapan para lang iuwi sya. Goodboy na sya. Kaya lalo akong naiinlove sa kanya.

One more thing na nakakatuwa sa kanya. Sanay naman syang di ako marunong mag express. Like, being a patwitams girlfriend. Haha! I dunno, but I couldn't express my love for him that way. Nasusuka ako. haha! Kaya kapag bigla akong bumanat sa kanya ng something di nya iniexpect, namumula po ang boyfriend ko. nababakla! Hahaha!

"Uwi tayo sa bahay. Pakilala na kita kila Ate." Biglang sabi nya.

"H-huh?!" kinabahan ako bigla. Surprise eh!

"Basta. Tawagan ko muna si Ate." Sabi nya lang tapos nakangiting nagdial sa phone nya.

Asdfghjkl! Bakit ngayon pa?! Di ako handa! Naka tshirt, pants at sneakers lang ako. Miko naman eh!!!!

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon