CHAPTER 19

212 12 1
                                    


CHAPTER 19

MIKKI'S POV

"Hon, kailan mo ba ako sasagutin?"

-_____- pailit ulit nalang yang tanong na yan.

"Kapag tinigilan mo ko sa pagtawag ng Hon. Nanliligaw ka Miko. Hindi mo na ako contract girlfriend." Sagot ko naman sa kanya.

"Psh." Tapos biglang tumayo sa kinauupuan nya.

"Saan ka pupunta?"

"Hahanap ng pasensya." Walang gana nyang sagot habang nakatalikod sakin.

Aish!

Ito na naman to. Lagi nalang. People, sya ang nanliligaw. Bakit kailangan ko syang suyuin? Bahala sya dyan.

Nakita ko syang humakbang na ulit paalis. Aish!!!!!

"Miko Angelo Imperial!!! Kapag di ka bumalik dito, di na kita sasagutin!!!" banta ko sa kanya. Ngayon ko lang gagamitin tong pagbabantang to. Sana naman kumagat.

Humarap sya sakin. "Okay."

Napanganga nalang ako sa sagot nya. So ganun? Ayos lang? Naglolokohan na pala kami eh. edi sige! >_<

Gusto ko maiyak. Anak ng tokwa! Akala ko ba mahal nya ako? peste ipaputol nya na pagkalalaki nya! Sinasaktan nya ako! T_T

Umalis ako sa bench na inuupuan namin at humanap ng ibang lugar. Yung pwede ako umiyak.

Napadpad ako sa likod ng library building. Dito wala talagang masyadong tao. Minsan at iilan lang ang nagagawi dito eh.

"ganun pala ah! edi sige! Di na kita papansinin! *sniff* pa promise promise ka pa. Ang sama mo! Peste kang cassanova ka!!!!" pagmamaktol ko habang umiiyak.

Ang sakit eh! mahal ko sya eh! nagpromise sya tapos di nya tinutupad. Ayoko na! T_T

*gruu~~*

Bad timing naman nito magutom. Bakit nagrereklamo na to? Masakit na nga puso, masakit pa tyan? Double kill! T_T

"ang unfair naman! Huhuhu! Ang sakit na nga ng puso ko. bakit pati tyan? Ulcer please wag ka muna sumabay. T_T"

Pero habang tumatagal. Pasakit ng pasakit ang tyan ko. bakit ngayon pa!? T_T

Kinuha ko ang phone ko at di-nial ang number ni Akiko.

/Sorry, you don't have enough balance to-/

"argh!!!!!!! Ang malas naman!!! Ang sakit ng tyan ko! T_T" para kong tanga. Maktol ng maktol. Reklamo ng reklamo. Wala naman magawa kundi umiyak. Weak! T_T

"Huhu! Miko naman kasi! Mama ko~ tulungan mo po ako. T_T"

"Miss, okay ka lang?" boses ng isang lalaki.

Halos tumulo na nga sipon ko sa kakaiyak. Ang tanong pa kung okay ako? lokohan tayo?

"Hindi ba obvious na hindi?"

"Ang taray mo naman."

"Mali lang talaga yung tanong mo."

"Sorry ah?" sarcastic nyang sabi. Psh! Mayabang rin! -_-

Makaalis na nga lang! Wala akong mapapalang tulong dito.

Pero pagtayo ko bigla akong nakaramdam ng hilo. Oh no!

ANG SADISTANG MAKULIT AT ANG CASSANOVANG MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon