“Okay, class. I need your layout designs before 5PM. I won’t accept any designs beyond that time.”
Pagkasabi na pagkasabi no’n ng prof namin, rinig mo agad ang mahinang komento at pagrereklamo ng buong klase. Nang tuluyan siyang makalabas, mas lumakas ang mga daing ng mga kaklase ko. Minsan talaga, hindi ko malaman kung anong klaseng topak meron ‘tong professor namin e. Araw araw, photoshop. Nakakaumay.
Nag-ayos ako ng mga gamit ko. May 30 minutes break kami bago ang susunod naming klase pero pakiramdam ko sobrang kulang ng oras na ‘yon para mawala ang stress na binigay sa’min ng professor namin.
“Magpapasa ka?” rinig kong tanong sa’kin ni Aaron.
“Oo, pagtapos kong patayin si Sir.”
Narinig ko naman ang sarkastikong pagtawa ni Six sa sinabi ko. Makatawa naman ‘to, e mas corny pa nga siya sa’kin kung mag-joke. Saka hindi ako nagjo-joke, mapapatay ko na talaga si Sir sa rami ng pinapagawa niya sa’min. Hindi na nakakatuwa, idagdag pa na masama ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan.
Tinarayan ko si Six at bumalik na sa pag-aayos ng gamit ko.
“Joke lang, stress ka nanaman e,” sabi ni Six tapos ay inakbayan ako, “Alam mo, sumama ka nalang sa’min ni Aaron sa bahay nila.”
“May klase pa tayo.”
“’Wag mo nang pasukan ‘yon. Gamitin mo nalang ‘yung oras no’n sa paggawa ng layout design para maipasa na rin agad natin bago mag 5PM.”
“Oo nga, Nicole, sumama ka na.” pagyaya naman ni Aaron.
Tumigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at sandal ko silang tinignan dalawa. Nag-iisip ako kung makikinig ba ako sa dalawang ‘to o maging mabuting estudyante nalang ako. Pero tama sila, kulang ang oras at baka hindi kami umabot sa deadline.
Matapos ang matagal na pag-iisip, nakapag-desisyon din ako, “Tara.”
— — —
Pagdating namin sa bahay nila Aaron, saktong kakatapos lang magluto ng pananghalian ng Mama at sakto rin namang wala pa kaming kain kaya kumain muna kami bago kami nag-simulang gumawa at tapusin ‘yung kailangang ipasa na layout design.
Habang nasa kwarto kami ni Aaron, kanya-kanyang laptop ang hawak nila. Bilang mga IT student, nagdadala talaga kami ng laptop, lalo nap ag alam naming kailangan. Pero sa araw na ‘to, hindi ako nag-dala. Pakshet talaga. Kung kailan ang daming pinapagawa. Ang sama kasi ng pakiramdam ko at pakiramdam ko nanglalambot ako pag binubuhat ko ‘yung bag ko at mabigat ito kaya iniwan ko muna ‘yung laptop sa bahay.
Si Aaron, Angel at Camille ay parehong nagla-laptop, busy sa paggawa ng mga designs. Paminsan minsan ay tinutulungan ko si Angel pag may hindi siya magawa, habang si Six naman ay kumportableng naka-higa sa kama ni Aaron.
Matapos kong tulungan si Angel ay naupo ako sa kama at sumandal sa pader. Mabuti nalang at may wifi sila Aaron.
BINABASA MO ANG
What Ifs
Teen FictionWhat if you rejected him because he came at a wrong time, not knowing he is the right one?