Chapter XI

469 20 6
                                    

Sa buong buhay ko, ito na ata ang kauna-unahang beses na pumunta ako sa isang bar at ito na rin ata ang kauna-unahang beses na sa’kin mismo nanggaling ang mga salitang, ‘gusto kong uminom’. Hindi lang siguro tama ‘yung desisyon kong pumunta mag-isa rito, lalo na’t alam ko namang sobrang bilis kong malasing.

Kanina pa may lumalapit sa’kin. Ilang lalaki na rin ang nag-boluntaryong bilan ako ng inumin at nilandi ako. Mabuti nalang at kahit umiikot na ang paningin ko, masasabi ko pa ring medyo nasa katinuan na ‘ko.

“Hi, miss.”

Napa-tingin ako sa kanan ko para tignan kung sino nanaman ba ‘tong nagha-hi sa’kin. Siguro pang-sampu na siya sa mga lumapit sa’kin ngayong gabi na ‘to. Mabuti pa sila. . . e si Six? Nasa’n si Six ngayon? Kinuha ko ang phone ko at pinag-masdan ito. Hindi man lang ba siya nag-aalala kung nasa’n ako? Wala man lang ba siyang pake sa’kin?

Pinilit ko na lamang na itawa ‘yung sakit na nararamdaman ko.

“May nakakatawa ba?” nagtatakang tanong nung lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin pala umaalis sa tabi ko.

Nilingon ko siyang muli, “Mukha mo.”

“Mukha ko?” tumawa siya ng kaunti, “Sige, pagbibigyan kita. Lasing ka na siguro kaya medyo lumalabo na ‘yang paningin mo.”

“Ano bang pinagmamalaki mo ha? Porket gwapo ka ha? Porket alam mong kahit sinong kausapin mo ritong babae, makukuha mo? Ang yabang, yabang mo.”

Iniayos ko ang upo at hinarap ko siya saka dinuro-duro. Kamuntikan pa nga akong mahulog mula sa kina-uupuan ko, mabuti nalang at kumapit ako agad sa bar para maibalik ko ang balanse ko. Nahihilo na talaga ako. Hindi ko na rin alam kung si Six ba ‘tong nasa harapan ko o isang estranghero lang.

“Hindi porket alam mong mahal kita, may karapatan ka nang saktan ako ng paulit ulit tuwing gusto mo.  Hindi porket gwapo ka, akala mo hindi na kita kayang iwan. Tapos pag ayoko na sa’yo, bigla kang babalik. Kung ano ano nanamang sasabihin mo para mahulog ulit ako sa’yo tapos iiwan mo ulit ako sa ere.” dare-daretso kong sabi.

“Ano bang pinagsasabi mo, miss?”

“Pakshet ka.”

“Anong sabi—“

“Ay, kuyang pogi,” hindi natuloy ang sasabihin nung lalaki nang biglang may dumating na babae at inakbayan ako, “Pag-pasensyahan mo na ‘tong kaibigan ko ha. Lasing na e.”

“Anong lasing? Hindi ako—“

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Naramdaman kong bigla akong naduwal, na para bang gusto kong sumuka. Ipinatong ko ang parehong kamay ko sa bibig ko pero hindi nagpa-tigil ang suka ko do’n, hanggang sa nasukahan ko na ‘yung lalaki sa harapan ko.

Bigla siyang napa-tayo mula sa kinauupuan niya at narinig ko ang sunod sunod niyang mura. Ako naman ay agad na hinila nung babae palabas ng bar, at do’n na tuluyang nag-dilim ang paningin ko.

— — —

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay mula sa kwartong tinutulugan ko. Pag-dilat ko ng mata ko ay agad ko rin itong isinara dahil sa nakaka-silaw na araw na bumungad sa’kin. Biglang bumukas ang isang pintuan sa paanan ng kama at lumabas si Janna ng CR.

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon