Isa, dalawa, tatlo—ilang linggo na ang nakakalipas mula nung huli kaming nag-usap.
Hindi ko alam kung pa’no ko nalagpasan ‘yung mga araw na hindi ko siya nakakausap, hindi ko alam kung pa’no ko hinarap ‘yung mga araw na alam kong hanggang sulyap lang ako sakanya. Ang hirap. Pero wala nang mas hihirap pa sa pag-sulyap ko sakanya at kitang kita ko kung ga’no siya kasaya, at hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niyang ‘yon. Ang hirap makita na okay siyang wala ako, habang ako, sobrang naaapektuhan sa paglayo niya.
Kalimutan mo nalang lahat.
Tangina. Bakit gano’n lang kadali sakanya para sabihin ‘yon? Bakit gano’n lang kadali sakanya para gawin ‘yon? Bakit ako, tatlong taon na ang lumipas pero hanggang ngayon, siya pa rin?
Sa tuwing magkaka-salubong kami, iiba siya ng daan. Sa tuwing magtatama ang tingin namin, iiwas siya ng tingin. Sa tuwing gusto kong kausapin siya, parang wala lang ako sa harap niya. Gano’n niya kadaling kinalimutan ang presensya ko.
Gano’n niya kadaling kinalimutan ang lahat ng sinabi niya sa’kin. . .
“Ang hirap, ‘no? Gusto mo siyang lapitan pero wala kang magawa.”
Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Janna na kaka-upo lang sa tabi ko. Hindi siya sa’kin naka-tingin, kundi kay Six na kanina ko pa rin tinitignan sa ‘di kalayuan.
Binigyan ko ng nagtatakang tingin si Janna sa sinabi niya. Sinusubukan kong ipakita sakanya na hindi ko alam ang pinagsasabi niya, kahit na ang totoo, alam na alam ko. Pero pa’no niya nalaman? Sikreto lang ang nararamdaman ko para kay Six.
“Babae rin ako, Nicole. I know when a girl likes a guy, at alam ko rin kung nagkukunwari lang ang isang babae tungkol sa tunay niyang nararamdaman.”
Nanlaki lang ang mata ko mula sa narinig ko sakanya. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng babaeng ito. Hindi ko malaman kung ano bang pakialam niya sa’kin. Pero bakit pakiramdam ko, pinipilit niyang ibigay ko ang tiwala ko sakanya, sa paraan na hindi ko mahahalata, para mag-kwento ako? At bakit pakiramdam ko naman gusto kong ikwento lahat sakanya?
“Si Six, ‘di ba?”
Muli ay hindi ako umimik. Sinusubukan kong bigyan siya ng ekspresyon na magpapabago ng inaakala niya. ‘Yung mapapaniwala ko siyang hindi ko alam ang tinutukoy niya. . . pero hindi niya kinagat.
“Hindi ko alam ‘yung kwento niyo pero naoobserbahan ko kayo,” panimula niya. Nilingon niya ako at tinignan daretso sa mata, “Lalo ka na, Nicole.”
“Ano bang pinagsasabi mo—“
“Sa totoo lang, wala ka namang karapatang mag-inarte e. Wala kang karapatang masaktan. Ikaw ang may gustong umiwas at lumayo, ‘di ba? O ngayong napag-bigyan ka, masaya ka ba?” hindi nag-hintay ng sagot si Janna at nagpatuloy lang sa pagsasalita, “Hindi. Akala mo kasi hahabulin ka niya. Akala mo pipigilan ka niya. Akala mo hindi niya kakayaning wala ka, kaya nasasaktan kang makita siyang masaya. E teka lang, Nicole, may nakalimutan ka ata.”
“A-ano?”
“Na may girlfriend siya.”
BINABASA MO ANG
What Ifs
Ficção AdolescenteWhat if you rejected him because he came at a wrong time, not knowing he is the right one?