“Uy, Nicole, ano na? Sasama ka ba sa Star City?”
Nagulo ang pag-iisip ko sa nangyari kagabi nang biglang lumapit si Camille sa’kin. Mula sa pagkakayuko ko, inangat ko ang ulo ko para tignan siya. Hinihintay niya ang sagot ko.
Sobrang magkaka-sundo ang buong klase namin, at ugali nilang mag-plano ng mga lakad kung saan dapat ay kumpleto kaming lahat. At kung may kulang man, siguradong ako ang nawawala. Tamad kasi ako sa mga ganitong lakad, o kaya naman madalas ay hindi ako pinapayagan. Pero kumpara dati, mas nakakasama na ako ngayon. Dati kasi may boyfriend pa ako at sobrang istrikto niya, pero kalaunan nakipag-break din ako sakanya dahil—basta.
“Dali na, Nicole, ikaw nalang ata ang hindi pupunta e.”
“Hindi—“
“Sasama ‘yan, Camille.”
Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang mag-salita. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Six. Kahit kailan talaga ang isang ‘to, ang hilig mag-desisyon para sa’kin.
“Hay salamat! Sige, ililista na kita, Nicole!” magiliw na sabi ni Camille at tumalikod na.
Tumingin naman ako kay Six at tinapunan siya ng tingin na kung nakakamatay lang ay pupwede na siyang pag-lamayan dito. Pero parang walang epekto sakaniya ‘yon dahil ngumiti lang siya sa’kin at nakuha pang maupo sa tabi ko.
“Bawiin mo ‘yon.”
“Ayoko nga. Nailista ka na e.”
“E bakit ba kasi sinabi mong sasama ako?” naiinis kong sabi.
“Kasi sasama ako.”
Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata ‘yon. Naiinis akong tumayo sa upuan para sana lumabas muna ng classroom dahil kagabi pa ako nababadtrip kay Six, at kung hindi pa siya titigil ngayon, baka kung ano pang magawa ko sakanya.
Bago ako tuluyang makaalis, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kanan kong kilay.
“Ako nang bahala. Ipapaalam kita kay Tita.”
— — —
Nagpaalam kami ni Angel sa iba pa naming mga kaklase’t kaibigan bago kami humiwalay sakanila ng daan. Ang iba kasi ay gustong mag-jeep, pero kami ni Angel ay gustong mag-LRT para maka-iwas kami sa matinding traffic.
Nang maka-hiwalay na kami sakanila, nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin ni Six sa kamay papunta sa ibang direksyon.
“Teka!”
Kahit anong pilit kong bawiin ang kamay ko sa hawak ni Six, hindi ko magawa. Ewan ko ba sa payatot na ‘to kung sa’n siya nakakakuha ng lakas. Hindi niya ako pinansin at nagpa-tuloy lang siya sa pag-kaladkad sa’kin. Nagkaka-tinginan na rin kami ni Angel pero nagkikibit balikat lang siya dahil hindi rin niya alam ang nangyayari.

BINABASA MO ANG
What Ifs
Genç KurguWhat if you rejected him because he came at a wrong time, not knowing he is the right one?