Chapter XVII

511 21 5
                                    

Maaga akong pumasok ngayon, maski ako ay hindi maka-paniwala sa sarili ko. Siguro ay dahil hindi rin naging mahimbing ang pag-tulog ko kagabi. Nahirapan akong maka-tulog, at sa tuwing makaka-tulog na ako, agad din akong magigising sa hindi ko malaman na dahilan.

"Hi, Nicole!" rinig kong bati sa'kin sa kumakantang boses.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Janna at Claire na ngiting ngiti sa'kin. Saglit ko lamang silang tinignan, ni hindi ko sila binati o nginitian, ibinalik ko rin agad ang tingin ko sa sahig.

"Ay, ang sungit." sabi ni Claire.

"Hindi ba dapat happy?" sabi naman ni Janna, "O baka naman may nangyaring hindi maganda kagabi nung mag-kasama kayo?"

Hindi pa rin ako umimik sakanila. Inaamin ko na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang lahat ng sinabi ni Ken. Alam kong hindi para sa'kin 'yung mga sinabi niyang 'yon, pero nasasaktan pa rin ako. Pa'no kung malaman niya 'yung nakaraan ko? Natatakot akong dumagdag siya sa ilang mga taong tinawag kong 'kaibigan' pero tinalikuran din ako.

Hindi ko nanaman alam kung sinong dapat pagka-tiwalaan. . .

Ilang minute nalang ay dumating na ang professor namin at bumalik na rin ang lahat sa mga upuan nila, pati sila Janna at Claire na sa bandang likuran naka-upo, malapit kay Ken.

Binati namin ang professor namin, at hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng estudyanteng pwede niyang piliin para mag-dasal sa harap, ako pa ang pinili niya. Nang pumunta ako sa harap, hindi ko alam kung bakit din sa dami ng estudyante sa klase, may isang tao akong hinahanap. . . at hindi ako nabigong makita siya.

Agad kong iniwas ang tingin ko at yumuko. Nag-simula akong mag-dasal at sumunod ang buong klase. Hindi bale, saglit lang naman ang isang oras at kalahati. Matatapos din ang araw na 'to.

— — —

Break time. Nang pumunta kami sa  canteen nila Janna at Claire, kita agad namin sa 'di kalayuan sila Angel at Camille, kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Kumakaway sa'min si Angel kaya agad kaming pumunta sa pwesto nila at naupo sa bakanteng upuan.

Ngayon nalang ulit kami nagkita-kita at nagkasama-sama. Naghati kasi kami, ang iba ay nasa 4A at ang iba ay nasa 4B. Pero kahit na ang dami namin ngayong magkakasama, may kulang pa rin. Ramdam kong hindi pa rin kami kumpleto.

Hindi ko pa siya nakikita ulit. Nasa'n na kaya siya?

Tumayo na ang iba para pumila at bumili ng makakain nila. Gano'n din kami nila Janna, habang ang iba ay naiwan sa lamesa para bantayan ang mga gamit namin. Hindi kami pumila, bukod ay sa kabila kami bumili dahil mas mura do'n at masarap ang luto.

Papalapit palang kami nang matanaw ko na agad si Ken na bumibili rin doon at may kausap na lalaki pero hindi ko kilala kung sino dahil naka-talikod ito sa'kin. Aatras na sana ako nang hawakan ako ni Janna para pigilan at narinig ko na ring tinawag ako ni Ken.

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon