Chapter IX

535 22 4
                                    

At do’n ako nag-simulang sumubok ng bawal. . . Do’n ko sinimulang panindigan ang alam kong bawal pero pilit kong ipinaglalaban na ito ay tama. . .

Pumayag akong magkaroon ng kung ano man ang tawag sa relasyon naming dalawa, kahit na alam kong may girlfriend siya. Hindi ko na alam kung anong nasa isip ko nung pumayag ako, ni hindi ko man lang naisip ang pwedeng maging resulta o kapalit nitong ginagawa ko. Isa nalang kasi ang nangibabaw sa utak ko nung gabing ‘yon—mahal ko si Six—wala nang mas hahalaga pa do’n.

Mabilis na kumalat ang balita, umabot ito sa mga kaibigan ko. Marami ang tutol sakanila, hindi na ako magtataka dahil alam kong kahit anong pagbabaliktad ang gawin ngayon sa mundo, mali ang ginagawa ko. May ilang umiwas, may ilang nanatili sa tabi ko, may ilang hindi nagbago ang tingin sa’kin, at may ilang alam kong hindi sang-ayon sa pinili kong sitwasyon pero sinuportahan pa rin ako bilang kaibigan nila.

Hindi ko malaman kung dapat ko bang ikasaya na okay kami ni Six o kung dapat kong ikalungkot na ang pagpili ko sa kasiyahan ko ay kapalit ng paglayo ng ibang mga kaibigan ko sa’kin.

Naalala ko pa nung gabi sa gilid ng swimming pool, tinanong niya ako kung anong gusto kong mangyari, pero hind ako sumagot. Hinayaan ko siyang mag-desisyon ng gusto niya dahil siya ang may girlfriend, ako naman ay nandito lang at handang saluhin siya o tanggapin ang desisyon niya. Hindi ba’t ‘yon naman ang ginagawa ko noon palang? Sa loob ng tatlong taon, tinanggap ko ang lahat.

Masaya ako pero pakiramdam ko bibigay na ‘ko.

Napalingon ako nang maramdaman kong may maupo sa tabi ko—si Janna.

“Bakit ka mag-isa?”

“Kung nasa posisyon kita, hindi ka magtataka kung bakit ako nag-iisa,” ngumiti ako ng malungkot, “Ikaw, bakit hindi mo nalang din ako iwasan?”

“Bakit ko naman gagawin ‘yon?”

Natanaw ko sa ‘di kalayuan si Danielle at Serah na naka-tingin sa’ming dalawa ni Janna. Hindi maganda ang timpla ng itsura ni Danielle at nakapa-meywang naman si Serah na para bang tutol sa pag-uusap naming dalawa. Pati sila, nilayuan ako.

“Umalis ka na. Ayokong pati sila, magalit sa’yo nang dahil sa’kin. Masyado na akong maraming dala, ‘wag mo nang dagdagan ‘yung konsensya ko.”

Lumingon si Janna sa dalawa niyang kaibigan at ibinalik ang tingin sa’kin, “Pakialam ko sa dalawang ‘yan. Wala namang iniintindi ‘yang mga ‘yan. Ang gusto lang nila, sila ang masusunod lagi. Hindi muna nila intindihin ‘yung side ng tao bago nila ako palayuin sa’yo.”

“Hindi na ‘ko magtataka. Kung ‘yung iba ko ngang itinuring na kaibigan talaga, umiwas sa’kin, kayo pa kaya na kailan ko lang naman nakilala.”

Wala na ‘kong iba pang kaibigan na mahihingi kundi si Angel. Siya ‘yung nanatili sa tabi ko at inintindi ‘yung sitwasyon ko, pati si Camille at Claire. Sila Rob, alam kong hindi sila sang-ayon dahil hindi lang mali ‘yung ginawa ko, kaibigan din nila ang girlfriend ni Six, pero ramdam kong pinipilit pa rin nilang pakitunguhan ako ng maayos.

“Hindi naman ako tulad nila,” sambit ni Janna, “Ako, naiintindihan kita. Naiintindihan kong hindi madali ‘yung sitwasyon mo, pero anong magagawa mo, ‘di ba? Mahirap tanggihan ang bagay na nakakapagpasaya sa’yo kahit alam mong mali. Nagmahal ka lang naman. Ang mali lang naman sa ginawa mo ay nagmahal ka sa maling panahon, maling oras, maling sitwasyon. Pero hindi ibig sabihin no’n masama ka nang tao.”

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon