Chapter XIII

489 16 5
                                    

"Nicole, gising na!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba, "Nandito na si Janna!"

Agad kong idinilat ang mata ko at napa-upo sa kam. Kinuha ko ang phone ko sa lamesang nasa tabi ng kama ko para tignan ang oras—8AM. Sandamakmak din ang texts at tawag ni Janna. Masyado pang maaga, 10AM ang usapan namin dahil 11AM pa naman ang enrollment para sa susunod na semester. Bakit sobrang aga ni Janna?

Kinuha ko ang towel ko at isinukbit ito sa balikat ko, tapos ay bumaba ako. Pagbaba ko ay naabutan ko si Janna na naka-upo sa may living room namin. Ngiting ngiti siya sa'kin nang makita niya 'ko.

"Sobrang aga mo, Janna. May dalawang oras pa ako." pagre-reklamo ko habang isang mata ko palang ang bukas dahil sa nakaka-silaw na sikat ng araw mula sa labas.

"Nag-text kasi sila Angel. Agahan daw natin para makapag-bonding pa tayo," inilabas niya ang cellphone niya nang tumunog ito, "O ayan, nag-text na. Nasa bagong café raw sila, malapit sa school. Do'n daw tayo magkita-kita."

"Pwede naman tayong magkita mamayang 11AM."

"Haynako, puro ka reklamo. Maligo ka na nga," hinila ako ni Janna patayo at papasok ng CR, "Dalian mo ha. 10 minutes ka lang dapat maligo." sabay sara niya ng pinto.

Sa halos dalawang buwan ng pagka-kaibigan namin ni Janna, hindi ko alam na mas magiging malapit pa kami sa isa't isa. Dumadalas na siya rito sa bahay at kasundo na rin niya sila Angel, Claire at Camille. Nag-sorry pa nga ang tatlo sakaniya dahil sa mga panghuhusga nila dati kila Janna. Sila Danielle naman at Serah ay wala na kaming balita.

Ayon kay Janna, simula raw nang malaman nila Danielle at Serah na may nangyari kila Janna at David, hindi na raw siya gaanong pinapansin ng dalawa. Matagal na raw nilang alam at plastikan nalang daw ang nangyayari sa tuwing nagkakasama sila. Pero tuluyan lang siyang humiwalay sa grupo nilang tatlo nang magalit muli sila Danielle sakanya dahil una—kinakausap niya ako. Pangalawa—kabit din daw ako. Tatlo—inagaw ko raw si Janna sakanila.

Napaka-childish nilang dalawa. Second semester na ng 4th year, pero hanggang ngayon kung umasta sila ay para pa rin silang mga high school na nang-aaway ng mga lower year.

Napa-iling na lamang ako at ibinaling ang pag-iisip ko sa enrollment na magaganap mamaya. Sa wakas, pagtapos ng halos isang buwan, makikita ko nang muli ang mga kaibigan ko. Ang madalas ko lang kasing makita nitong bakasyon ay si Janna, dahil siya ang malapit sa'min. Si Angel naman ay sobrang dalang kong makasama. Siguro sa halos isang buwan na bakasyon, dalawang beses ko lang siyang nakita.

Oo, sila lang. . . sila lang ang gusto kong makita.

— — —

Nang makapasok kami sa loob ng bagong café ay bumungad agad ang isang maliit entablado sa bandang harapang bahagi ng café, kung sa'n may isang stool at mic stand sa harap nito, pero walang tao. Medyo vintage rin ang dating ng ambiance, at mukha siyang isang lumang pub house nung mga sinaunang panahon—pero hindi ito pub house. Ang laman ng menu na naka-paskil sa pader sa may counter ay puro coffee, frappuccino, smoothie, milk tea, and so on. Tapos ay meron silang glass counters kung saan nakalagay ang mga pastries nila.

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon