Pagka-uwing pagka-uwi ko tumalon agad ako sa kama ko at nag-talukbong ng kumot. Hindi ko mapigilang hindi mapa-ngiti sa tuwing maaalala ko 'yung nangyaring eksena kanina. Ayoko man 'tong nararamdaman ko ngayon, pero hindi ko maitatangging kinikilig ako.
Tama ba 'to? Wala namang mali, hindi ba? Wala naman akong matatapakan, wala naman akong masasaktan. Pero bakit nag-aalinlangan ako? Bakit ko siya pinapalayo at pinapatigil nung sabihin niya sa'kin 'yon? Natatakot kasi ako. Minsan na akong nando'n sa gano'ng sitwasyon at naniwala ako agad. 'Yang tiwalang 'yan ang minsang pumahamak sa'kin. Okay pa bang mag-tiwala ako ulit?
Natatakot akong masaktan ulit, pero natatakot din akong baka magsisi ako sa huli.
What if I rejected him not knowing he is the right one?
Nagulo ang pag-iisip ko nang bigla akong may narinig na katok mula sa pintuan ng mismong bahay namin—isang malakas at marahas na pag-katok. Pag-bukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nakita ko si Mama na pababa na rin sana para siya ang mag-bukas pero pinabalik ko siya sa kwarto niya at sinabing ako nalang ang magbu-bukas.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng bahay at bumungad sa'kin si Janna na basang basa ang mukha ng mga luha niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya dahil ito ang kauna-unahang beses na makita ko siyang ganito. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit habang patuloy pa rin sa pag-hikbi.
"Nag-balik na siya, Nicole. . . Nag-balik na siya. . ."
— — —
Nag-salin ako ng mainit na tubig sa isang tasa para gumawa ng kape. Bumalik ako sa madilim na sala namin, na tanging isang ilaw lang ang bukas. Nakita ko si Janna na inaayos ang kumot na ibinigay ko sakanya at ibinalot niya ito sa katawan niya, na tila ba sa tingin niya ay isa itong armas na mapo-protektahan siya sa lahat ng pwedeng manakit sakanya.
Iniabot ko sakanya ang tasa ng kape, na kanya namang kinuha at agad na ininom. Tapos ay na-upo ako sa tabi niya sa sofa.
"Dito ka na magpa-lipas ng gabi. May bakanteng kwarto sa—"
"Nicole, kaibigan kita, 'di ba?" biglang tanong ni Janna at lumingon siya sa'kin, "Hindi mo 'ko iiwan. Nand'yan ka lang pag kailangan kita, 'di ba?"
"O-oo naman, Janna."
"Sabihin mo sa'king hindi ko na dapat iniiyakan si David. Baguhin mo 'yung isip ko. Tulungan mo 'kong kalimutan siya," nagmamakaawang sabi ni Janna, "Ayoko na ng ganitong pakiramdam. . ."
Nag-simula nanamang tumulo ang mga luha ni Janna at wala nalang akong ibang nagawa kundi yakapin ang kaibigan ko. Naaawa ako sakanya. Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito. Nakilala ko siyang matapang at malakas. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao.
"Hindi naman natuturuan ang puso. Ikaw lang din ang makaka-tulong sa sarili mo. Hindi sapat na gusto mo lang maka-limot, Janna, dapat handa ka."
BINABASA MO ANG
What Ifs
Genç KurguWhat if you rejected him because he came at a wrong time, not knowing he is the right one?