Chapter XVIII

454 17 1
                                    

Nagtataka kami ni Claire kung bakit hindi pumasok si Janna ngayong araw. Akala nga namin ay baka na-late lang siya ng gising at hahabol nalang sa susunod na subject, pero hapon na at wala pa rin siya. Mukhang wala nga talaga siyang balak pumasok. Wala rin siyang text sa'min, at nung tinext namin siya ay wala kaming natanggap na kahit isang reply man lang mula sakanya.

Mabuti nga at hindi siya pumasok, dahil puro wala ring saysay ang araw na 'to ngayon. Puro tamad ang mga professor namin—kung hindi sila tinatamad na mag-lesson, hindi naman kami papasukan. Kung hindi kami papasukan, maaga namang magpapa-labas.

Hindi naman sa hindi ako pabor. Sa totoo lang, gustong gusto ko 'yon kesa tumunganga sa klase ng isa't kalahating oras para makinig sa mga diskusyon na hindi rin naman papasok sa utak ko at ang ending ay babasahin ko rin naman sa libro o kaya powerpoint para maintindihan ko. Pero kasi, sayang 'yung ginising ko ng maaga para lang dito.

"Kamusta 'yung dinner date niyo kagabi ni Ken?" napa-lingon ako kay Claire na sobrang lapit sa'kin at may malaking ngiting naka-paskil sa mukha niya. Halatang interesado siyang malaman ang nangyari kagabi.

"Hindi 'yon dinner date. Nag-dinner lang ako sakanila, kasama ang pamilya niya. 'Yun lang."

"Ay! Nando'n na kayo agad?" gulat na sabi ni Claire, "Ang bilis naman no'n! Nasa meeting-the-family stage na pala kayo. Hindi ako na-inform."

Mahina kong binatukan si Claire, "Mag-tigil tigil ka. Wala ako sa mood ngayon."

"Ang sungit naman ni ati."

Ni-rolyo ko lamang ang mata ko at pumirmi na si Claire sa upuan niya. Nilabas na rin niya ang cellphone niya at muli siyang nabalot sa sarili niyang mundo kung sa'n malaya siyang nakakapag-internet at unli ang WiFi.

Naging okay naman ang dinner kagabi sa bahay nila Ken. Alam na rin ng magulang ni Ken na hindi Barbie ang tunay kong pangalan, dahil ikinwento ko sakanila kung pa'no kami nagka-kilala ni Ken. Natatawa nga rin sila sa naisip naming pangalan na itawag sa isa't isa—Ken at Barbie. Nagpa-salamat din sila sa'kin sa ginawa ko para maka-pasok si Ken sa café.

Okay ang pamilya ni Ken. Masaya silang kasama at masarap maka-kwentuhan. Para bang walang marunong magalit sakanila. Maski ang Papa ni Ken na kinatatakutan ko nung una ay sobrang kwela rin pala at puro kalokohan ang alam, ang hilig din niyang mag-joke. . . at aaminin kong medyo naalala ko no'n si Six.

Ang hilig kasi ni Six sa mga knock knock jokes. Tandang tanda ko pa nga 'yung senaryo nung pangalawang linggo pa lamang ng klase namin nung first year. Magka-tabi kami no'n sa upuan at gusto ko na siya no'n, pero hindi kami gaanong nag-uusap, pwera nalang kung manghihingi siya ng papel sa'kin.

Tandang tanda ko pa nung isang araw na sobrang bored niya sa tinuturo ng professor namin, bigla siyang nag-salita. Salitang sobrang hina, tila ba parang bumubulong. Nilingon ko siya no'n ng may kunot na noo at daretso lang ang tingin niya sa harap, habang mahina siyang nagsa-salita, para hindi siya mapansin ng professor.

"Ang boring niya."

'Yan ang una niyang sabi pero hindi ko siya inimik dahil ayokong madamay pag napagalitan siya. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harap habang pinapakinggan ko pa rin ang sinasabi niya.

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon