Ilang araw nalang at malapit na ang pasukan. Ilang araw nalang at sisimulan nanaman namin ang bagong kabanata sa buhay namin. Hindi na pwede magpa-tumpik tumpik, magpaka-yolo, magpa-petiks, at chumill. Kailangan matapos namin 'to ng apat na taon lamang.
Maka-graduate lang talaga ako ng kolehiyo, magpapahinga lang ako sandali pagtapos ay maghahanap din kaagad ako ng trabaho. Dahil isa nanaman 'yong bagong kabanatang papasukin ko, at siguro rin ay bagong kabanata para sa puso ko.
Sa ngayon, hindi muna ako naghahanap, pero hindi ko rin naman sinasabing sinasara ko ang puso ko para sa posibilidad na mag-mahal ulit. Siguro ang tamang salita para sa gusto kong mangyari ay 'magpapahinga'. At isa pa, ni hindi ko nga alam kung nalimutan ko na nga ba talaga 'yung isa para umibig akong muli. At kung sakali mang may dumating na bago sa buhay ko, sino ba naman ako para tanggihan ang grasyang 'yon? Talagang sa ngayon. . . gusto ko lang munang pag-pahingahin, hindi lang ang sarili ko, kundi pati rin ang puso ko.
"Buti nalang naisipan nilang mag-tayo ng ganito malapit sa school 'no? Ang galing nang naka-isip nito. Ang sarap tumambay dito, medyo nakakasawa rin do'n sa milktea house e. Ang liit pati ng pwesto nila do'n." sabi ni Camille tapos ay uminom sa frappucino na inorder niya.
"Wala namang wifi rito." daing naman ni Claire habang nagse-cellphone.
Napa-iling na lamang ako sa dalawa. Ang kasiyahan talaga ni Claire ay WiFi at wala nang iba. Basta may WiFi, masaya na siya sa gano'n lang.
Pero sang-ayon ako kay Camille, ang galing nga ng naka-isip nitong ganitong klaseng café at ang ganda rin nang napili niyang pwesto dahil malapit ito sa mga eskwelahan at sa mga opisina. Siguro bebenta sila sa mga estudyante at empleyado.
"Oo nga pala, nasa'n si Janna?" biglang tanong ni Angel, "Tinext niyo ba siyang nandito tayo?"
"May pupuntahan pa raw siya e. Sa school nalang daw magkita." sagot ko naman.
"Saan naman daw siya pupunta?"
Nag-kibit balikat na lamang ako bilang sagot dahil maski ako ay hindi ko alam kung sa'n siya nagpunta. Ang tanging sagot niya lang nung tinanong ko siya ay, 'basta'. Hindi ko naman na siya kinulit pa dahil seryoso ang tono ng boses niya at mukhang nagmamadali na siyang ibaba ang tawag. Basta ang sabi niya, sa school na magkita kita.
Balak kasi naming bisitahin 'yung mga kaibigan naming nag-summer classes nitong bakasyon para makuha ang mga late subjects nila at hindi na umextend pa higit pa sa apat na taon. Ang kaso ay mamaya pang alas dos ng hapon matatapos ang klase nila, kaya nandito muna kami para palipasin ang oras.
Nakuha naman ang lahat ng atensyon ng taong nandito ngayon sa café nang biglang may mag-salita sa harap, kung nasa'n ang entablado. Ito ang unang beses na makita naming may tao sa ibabaw ng entabladong 'yon. Iniisip na nga naming baka display lang ito, pero para sa'n ang mataas na stool at mic?
"Magandang umaga mga people!" magiliw na bati nung babae na nasa maliit na entablado at nag-palakpakan ang lahat ng tao, "Excited na ba kayong makilala kung sinong unang tatapak sa entabladong ito para haranahin tayong lahat?" nag-tilian ang mga tao bilang sagot, "Kung gano'n ay 'wag na nating patagalin ito. Paakyatin na natin siya ng stage."
BINABASA MO ANG
What Ifs
Teen FictionWhat if you rejected him because he came at a wrong time, not knowing he is the right one?