Gwapo, matangkad, maputi, payat, may braces, nakataas ang buhok—unang araw palang ng kolehiyo, sa dami naming magkaka-klase, siya agad ang nakakuha ng atensyon ko.
Madalas no’n, pasulyap-sulyap lang ako sakanya. Siya ‘yung dahilan kung bakit inaagahan kong pumasok. Dahil ‘yung makita ko palang siya sa umaga, okay na sa’kin ‘yon; masaya na ‘ko no’n. Buong araw kong dadalhin ‘yung simpleng kilig na binibigay niya sa’kin sa simpleng pag-tayo lang niya o malaman ko lang na nand’yan ang presensya niya at na nasa iisang kwarto kami.
Ni hindi ko siya nakakausap, ni hindi ko alam ang totoo at buo niyang pangalan, bukod sa nickname niyang Six. Hanggang sa tinopak ata ang professor namin at napag-desisyonan niyang magkaroon ng seating arrangement ang klase. Badtrip na badtrip ako no’n dahil mapapalayo ako sa best friend ko.
“Mr. Geoffrey Evangelio, the sixth,” sabi ng professor namin at nag-tawanan ang buong klase, “Sit beside Ms. Dizon.”
Naramdaman kong nagka-mini heart attack ako nang ma-realize ko ang sinabi ng professor. Nag-lakad siya papunta sa bakanteng upuan sa tabi ko at tahimik na naupo.
Do’n nagsimula ang lahat.
“Nicole!”
Nagulo ang pag-iisip ko tungkol sa mga nangyari noon nang narinig kong biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko sa school grounds, nakita ko si Six na tinatawag ako. Itinaas ko lamang ang kilay ko sakanya at tumakbo siya palapit sa’kin.
“Ano nanamang problema mo, Geoffrey?”
“Nang-iinis ka ba talaga ha? Tatlong taon na tayong mag-kaibigan, mga anong taon mo pa maiintindihan na ‘wag akong tatawagin no’n?” naiinis niyang sabi at inihilamos niya sa mukha ko ang kamay niya.
“Kadiri naman ‘to! Humawak ka kaya ng bola!”
Hindi niya ako pinansin at hinihingal lang siyang naupo sa tabi ko, “Nauuhaw ako.”
“O ngayon, anong gusto mong gawin ko?”
“Bili mo ‘kong tubig.” pag-utos niya.
“Edi wow.”
“Baka, edi cow.”
“Pa’no, edi how.”
“Pusa, edi meow.”
“Aso, edi aw.”
“Panget, edi ikaw.”
“Pakshet ka ha.” agad kong reakto at tumawa lamang siya.
“Bilhan mo na kasi ako ng tubig. Hindi ka ba naaawa sa’kin? Tignan mo ‘ko.”
Muntik na akong mahulog sa inuupuan namin nang bigla niyang ilapit sa’kin ang mukha niya. Gusto kong umiwas ng tingin pero para akong nahihipnotismo sa mga titig niya. Kahit na tagaktak ang pawis niya dahil sa paglalaro ng basketball, ang gwapo pa rin niya at amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya.
Ang lakas maka-‘perfection’ ng isang ‘to.
Bago pa ako tuluyang naging bato, narinig ko nang tinawag ni Rob si Six. Ginulo ni Six ang buhok ko bago tumayo at bumalik sa court para magpa-tuloy sa paglalaro nila ng basketball. Friday kasi ngayon at ‘yon na ang naging tradisyon nila tuwing Friday—maglaro ng basketball after class. Minsan sa grounds o kaya naman pag naka-hingi sila ng permiso, sa gym.
BINABASA MO ANG
What Ifs
Fiksi RemajaWhat if you rejected him because he came at a wrong time, not knowing he is the right one?