Chapter XV

457 19 6
                                    

Inagahan kong gumising ngayong araw na 'to. Kahit na 10AM pa ang klase ko at okay naman na sa'kin ang trenta minutos para sa pag-aayos ng sarili ko, kasama na ang pag-ligo, ay gumising pa rin ako ng alas siyete ng umaga. Hindi naman sa excited akong pumasok, pero ayoko lang na ma-late ako sa unang raw ng klase.

Mabuti nalang at kaklase ko pa rin ang mga kaibigan ko. Dadalawa lang kasi ang section namin kaya hindi malabong mangyari 'yon. Kahit na may mga nahiwalay sa'min at napunta sa kabilang section, sana ay hindi pa rin no'n mababago ang samahan naming lahat.

8:30AM—umalis ako ng bahay. Malakas kasi ang kutob kong traffic ngayon dahil ito ang araw na halos lahat ng eskwelahan ay pasukan nang muli. Pagdating ko sa kanto namin, kung saan ako naghihintay ng masasakyan na jeep, ay sobrang dami ring taong naghihintay para maka-pasok. Kahit sa pag-sakay palang ng jeep ay siguradong paunahan na. Sampung minuto ang lumipas bago ako naka-sakay ng jeep.

Nang matanaw ko 'yung café, nag-dalawang isip ako kung do'n ba ako bababa o do'n na mismo sa eskwelahan. Tinignan ko ang orasan na suot ko—9:10AM. Medyo may oras pa naman ako kaya napag-desisyunan kong do'n nalang pumara.

Pumasok ako sa loob ng café at hindi ko alam kung bakit sa entablado ako agad tumingin, at nang mabigo akong makita ang hindi ko alam kung bakit ko hinahanap, nilibot ko ang mata ko. Nagbabakasaling makita ko siya pero muli ay nabigo ako. Siguro ay masyado akong maaga at mamayang tanghali pa ang schedule ng pag-kanta niya rito.

Palabas na sana ako ng café nang—

"Barbie."

Alam kong hindi naman 'yon 'yung pangalan ko pero pakiramdam ko ay ako ang tinatawag kaya lumingon pa rin ako, at nagulat ako nang makita kung sino ito. May naka-sukbit nanamang itim na guitar bag sa likod niya at naka-ngiti siya kaya kitang kita ko ang dimples niya.

"Sino si Barbie?" nagtataka kong tanong sakanya.

"E sino rin ba si Ken?"

Naramdaman kong ang pagmula ng mukha ko sa tanong niyang 'yon, lalo na nang bigla siyang nagpakawala ng mahina at maiksing tawa.

"Papasok ka na? Tara sabay na tayo." pag-aya niya tapos ay lumabas na ng café.

Ilang segundo rin ata akong ngumanga bago ko na-proseso sa utak ko ang sinabi niya. Totoo ba 'yung narinig ko mula sakanya? Sabay na raw kaming pumasok? Nang ibinalik niya ang tingin niya sa'kin mula salamin na pintuan ay agad kong sinara ang bibig ko at lumabas. Ngumiti siya at nag-simulang mag-lakad, ako naman ay sumunod lang sakanya.

Pasimple ko siyang tinitignan habang tahimik akong naglalakad sa tabi niya. Ang first impression ko sakanya ay masungit, mayabang at pa-cool—'yung usual na ugali ng mga lalaki. Hindi man lang kasi siya nag-pasalamat sa'kin nung tinulungan ko siyang matanggap sa café, ni hindi rin niya ako nginitian. Ito ang unang beses na kinausap niya 'ko at may kasama pang ngiti.

"Sino nga si Ken?" mapang-asar niyang tanong.

"E kailangan ko kasing mag-imbento para mas mukhang kapani-paniwala 'yung pinagsasabi ko."

"Ah," tumango tango niyang sabi, "Buti nalang pala naniwala 'yung waiter sa'yo. Kasi ako, gusto ko nalang matawa sa pinagsasabi mo no'n kaso gustong gusto ko rin talaga maka-pasok kaya sinakyan ko na."

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon