Matapos nung nangyari noong isang linggo, hindi ko na nakakasama si Angel. Hindi kami nagpapansinan at hindi na rin nag-uusap. Ang hirap, lalo na’t kaklase ko siya at sanay ang iba naming mga kaklase na hindi kami mapag-hiwalay. Mas ikinagulat nila na ang madalas ko nang kasama ay ang tropa nila Janna.
Okay naman pala sila. Masarap silang kasama at ka-kwentuhan, lalo na si Janna. Pansin kong mas napapalapit na ‘ko sakanya at mas nagiging komportable na akong kasama siya. Dati kasi hindi masyado, para bang may ilang sa pagitan naming dalawa noon. Pero ngayon, sakanya na ‘ko madalas mag-kwento, siya na ang madalas kong kabiruan at katawanan, siya na ang madalas kong kasabay umuwi—mga bagay na madalas naming gawin ni Angel dati.
“E kung patayin mo nalang kaya ‘yang sarili mo?” masungit na sabi ni Danielle sa’kin. Kumuha siya ng kutsilyo at inilapag sa lamesa, “Oh eto, kutsilyo. Saksakin mo nalang ‘yang sarili mo, ngayon na.”
Unti unti na rin akong nasasanay sa ugali ni Danielle. Okay siya, sadyang gano’n lang talaga siya makipag-usap sa ibang tao. Para bang lagi siyang may galit sa mundo at para bang lahat ng makakausap niya ay may malalim na kasalanan sakanya. Okay na rin dahil madalas naman ay wala siyang pakialam sa paligid niya.
“Truelaloo, gerl. Why are you starving yourself to death ba kasi? Anong klaseng bituka ba ang meron ka?” tanong ni Serah at pinindot pindot pa ang tiyan ko.
Napa-iling na lamang si Janna kay Serah tapos ay lumingon sa’kin, “’Wag mong sabihing hanggang ngayon nagmumukmok ka pa rin nang dahil kay Angel? Hindi mo ba naiisip na kung tunay siyang kaibigan, e ‘di dapat nandito siya para sa’yo?”
“Tama na arte. Shot mo na.”
Kinuha ni Danielle ang shot glass at sinalinan ng alak. Inabot niya sa’kin ‘yon at agad ko namang kinuha at ininom. Pang-ilang shot ko na ‘to, pero hindi pa rin ako nasasanay sa mapait na lasa ng alak. Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi sa tuwing mararamdaman kong dumadaan ito sa lalamunan ko. Nakaka-inom lang kasi ako sa tuwing may okasyon.
Alas dos na ng madaling araw, pero nanunuod pa rin kami ng movie na Love, Rosie rito sa condo ni Serah. Si Serah at Janna lang ang nagka-sundo na ‘yon ang panuorin, si Danielle nga ay panay ang pakikipag-talo sakanila pero hindi naman siya nanalo. Ako naman ay hindi ako interesado sa palabas kaya hindi ko rin gaanong itinutuon ang atensyon ko masyado sa istorya, at saka nararamdaman ko na rin ang alak na tinatamaan ako.
“Nicole, malapit na pala birthday mo?” napa-lingon ako kay Janna na may hawak na cellphone at nagfe-facebook, “Anong balak mo? May party ba?”
Ngumiti ako ng malungkot tapos ay umiling, “Wala namang pupunta.”
Naisip kong muli si Angel na hindi ko nakakausap ngayon. Pati ang iba kong mga kaibigan ay napapansin kong nagiging ilap sa’kin, na para bang iniiwasan nila ako. Hindi ko malaman kung bakit. Iniisip ko nalang na siguro ay dahil madalas na akong sumasama kila Janna kaysa sakanila, o kaya baka naman ay dahil hindi kami okay ni Angel ngayon.
“We’re here.” ngiting sabi ni Janna.
“Yah, gerl. Let’s like celebrate!” magiliw na sabi ni Serah, “I’ll offer you my condo. We’re gonna be super saya that night! You’ll totes forget about Angel and Six!”
Nang sabihin ni Sera hang pangalan ni Angel at lalong lalo na ni Six ay tumahimik ang paligid. Nakita ko pang simpleng kinurot ni Janna si Serah sa tagiliran dahil do’n.
BINABASA MO ANG
What Ifs
Novela JuvenilWhat if you rejected him because he came at a wrong time, not knowing he is the right one?