Prologue

107 8 32
                                    

"Congratulations to us! Yay!"

Masayang sambit naming lahat habang pumapalakpak. Tapos ay may naka-serve naman na maliit na red velvet round cake sa mesa namin at kanya-kanyang order namin ng kape.

Katatapos lang ng graduation namin kanina. Dumeretso kaagad kami rito sa café na paborito nina Jennie at Rosie, kaya naman suot pa namin ang high school uniform namin. Nandito kami sa paborito naming spot na katabi ng glass wall. Isang white round table na napapalibutan ng black and white na couch.

Naalala ko pa noong unang dinala nila kami rito, nahihiya pa ako kasi mamahaling café ito at nililibre lang din naman kami no'ng dalawa dahil sila 'yong may pera. 

Hanggang sa nasanay na rin kami dahil weekly kami napunta rito. Tuwing Friday ng hapon after school.

"First of all, congratulations to our dearest friend, Rosemarie for being our batch valedictorian. Cheers!" masayang saad ni Jennie habang nakataas ang coffee cup niya.

"Congratulations, Rosie!" masayang bati naman namin ni Marce sa kanya habang napalakpak.

"Thank you," nakangiting tugon naman ni Rosie.

"So, what's our plan na sa college?" tanong ni Jennie.

"Well, I'll just do what my parents told me. They want me to take a business related course in Ateneo," sagot ni Rosie.

"Woah. Ateneo," manghang sambit naman namin ni Marce.

"Uhm! Ikaw naman, Jennie? Saan mo plano pumasok at anong course ang gusto mo?" masiglang tanong naman ni Marce sabay palumbaba sa mesa.

"Wala siyang balak mag-college," singit ko naman. Sabay nagtawanan naman sina Marce at Rosie. Pinandilatan naman ako ng mata ni Jennie.

"Well, how did you know?" natatawang tugon naman ni Jennie.

"Seryoso, Jennie? Ayaw mo na mag-aral? Sa bagay, mayaman ka naman eh," ani Marce tapos ay dinutdot niya 'yong icing ng cake at sinubo niya.

"Girls, as much as I don't want to attend college, eh wala rin naman akong choice. I have to! Or else, my dad will kill me," sagot ni Jennie sabay ikot ng mga mata niya at higop ng kape.

Sa bagay, nabanggit na rin sa'min ni Jennie noon kung gaano kastrikto ang ama niya. Minsan nga raw, may mga pagkakataon na pinagbubuhatan siya nito ng kamay. At gano'n din ito sa nanay niya.

At nalulungkot kami para kay Jennie dahil do'n. Pero, ayaw ni Jennie na kinaawaan siya ng iba. Kaya palagi na lang kaming nandito para sa kanya para maramdaman niyang may karamay siya.

"So, ano ngang kukunin mo sa college if ever?" usisa ulit ni Marce.

"Same as Rosie. Business related course and maybe do'n na lang din ako papasok. Para may kasama akong kakilala ko," sagot ni Jennie.

"Really? You'll come with me? Aw, that's sweet," sambit naman ni Rosie kay Jennie na katabi lang niya.

"Yeah. And I know you. Hirap kang mag-adjust kapag nasa new environment ka," ani Jennie.

"Thanks," tugon ni Rosie sabay sandal ng ulo niya sa balikat ni Jennie.

"Besides, 'yon din naman ang gusto ni Dad. So..." pahabol ni Jennie sabay kibit-balikat.

"Gano'n? Ang daya naman. Magkasama kayong dalawa," nakangusong saad ni Marce.

Pagkatapos ay bigla naman siyang kumapit sa braso ko, "Kung gano'n, kung saan papasok si Lili, doon na lang din ako."

Napatingin naman ako sa kanya, "Ha? Seryoso ka ba diyan? Baka wala ro'n ang course na gusto mo," kunot-noo kong tugon kay Marce.

"Hmm..." tanging tugon ni Marce habang nakanguso at tila napaisip.

Bloom in Pink (Lilianne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon