Chapter 27: Night Changes

32 3 2
                                    

Bumuntonghininga ako at umiwas ng tingin, "Ginugulo mo na naman ako," sambit ko tapos ay hinarap ko siya ulit.

"Ni-reject mo na ako, 'di ba?" dagdag ko.

Napakunot-noo si Rhys at mukhang nagtataka siya sa tanong ko.

"Who told you that I rejected you?" tanong niya.

"Hindi ba? Hinayaan mo lang ako no'n tapos sabi mo 'kung 'yan ang gusto mo'?"

"Yeah. But I never said that I'm rejecting you. Right?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya.

"Okay sige. Ganito 'yon. 'Yon ang sinabi ko kasi para magkaroon tayo ng time na pag-isipan ang lahat. As you know, I'm a bi, right? Even I also like girls, I didn't think na magiging successful ang relationship ko with them," paliwanang ni Rhys.

"But then you came into my life. Habang tumatagal na magkasama tayo, I feel attracted to you. Iba ang dating mo sa'kin. Feeling ko gusto kitang makita at makasama palagi. I can't stop thinking about you when you're not around. And I even feel jealous when you're with other guys," kuwento pa niya tapos ay tumawa siya nang pagak.

"Kung puwede lang kita i-message o puntahan palagi, ginawa ko na. Pero nanaig 'yong pagiging anxious ko and thinking na baka isipin mong napaka-clingy ko naman. Ayaw ko no'n mahalata mo na gusto kita. I'm not yet ready to let you know that you're the apple of my eye."

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig sa lahat ng sinasabi niya. Base sa pagkakaintindi ko, parang gusto niyang iparating na gusto niya ako pero nag-aalinlangan pa siya.

"Pero si Josh? Nakita ko kayo sa tapat ng isang coffee shop na magkasama at mukhang masaya naman kayo," sambit ko.

"Ah, 'yon ba? I just accidentally met him there. Nagkumustahan lang kami. That's it. I asked him kung bakit hindi na siya bumalik sa bar kung saan kami palaging nagkikita noon. Then he told me that he got a girlfriend that time kaya tinigil niya ang pagpunta ro'n. And eventually, they got married," paliwanag niya.

"May asawa na pala si Josh.”

"Yeah. And also, the reason why I'm there because I'm waiting for you. Alam ko kasi na do'n ka nasakay ng jeep pauwi. Hinihintay kita mag-out no'n sa trabaho mo para maihatid kita sa inyo."

Napatuop ang labi ko sabay iwas ng tingin. Na-realize ko na misunderstanding lang ang lahat sa side ko.

"Did you know? I can't stop thinking about the day you said that you love me."

Para namang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko. Biglang nag-init ang mukha ko.

Tumawa nang bahagya si Rhys. "Do you still love me? Because now I'm sure of how I feel."

Pagkatapos ay lumapit pa siya at hinagip ang isang kamay ko at hinawakan ito.

"I love you, Lilianne," saad niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Bakas ang sinseridad sa mga ito at nararamdaman ko rin 'yon.

Ngumiti ako at gano'n din siya. Pagkatapos ay niyakap ko si Rhys.

"Na-miss kita," sambit ko. Tapos ay hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya na para bang ayaw ko na siyang pakawalan pa.

Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik tapos ay hinaplos niya nang marahan ang ulo ko.

Nang maglayo ay naghawak-kamay kami at ikinulong ang mga daliri sa isa't isa. Pagkatapos ay pumasok na kami muli sa ball room para bumalik sa table nila.

"Aba, aba. Parang may nagkabalikan dito ah," pang-aasar ni Jennica pagbalik namin sa table.

"Jennica!" suway ko naman sa kanya. Pero tinawanan lang niya ako.

Bloom in Pink (Lilianne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon